Bea kasama pa rin ang nanay pag may date | Bandera

Bea kasama pa rin ang nanay pag may date

Ervin Santiago |June 28,2017
facebook
share this

Bea kasama pa rin ang nanay pag may date

Ervin Santiago - June 28, 2017 - 12:10 AM

INAMIN  ng Kapuso Princess na si Bea Binene na hindi pa rin siya pinapayagan ng kanyang mommy na makipag-date sa lalaki nang walang “bantay”.

Walang boyfriend ngayon ang dalaga at hindi rin daw siya naghahanap ng makakarelasyon, “Hindi naman sa not ready to mingle just now I know my responsibilities. I know my goals. So ngayon wala pa siya it’s not on my plate.

Kahit 19 na siya, palagi pa rin daw niyang kasama ang kanyang nanay kahit na meron siyang ka-date, “Yes po, binabantayan pa rin po ako. Hindi ako nakakalabas ng bahay mag-isa.”

Paano kapag may nanliligaw sa ‘yo? “Kasama siya. Kunyari magmo-mall, kasama siya. Okay lang naman po na ka-join si mommy, pero kapag kunyari sa mall, hihiwalay naman siya. Binibigyan niya naman ako ng privacy.”

E, kapag sila ni Derrick Monasterio ang magka-date, ka-join pa rin si mommy? “Opo, ganu’n minsan.

Sapat-sapat lang.” Ka-loveteam ni Bea si Derrick ngayon sa fantaseryeng Mulawin vs Ravena sa GMA Telebabad at balitang isa sa mga masugid niyang manliligaw,

Boto ba ang nanay niya kay Derrick? “Hindi ko po alam. Hindi namin napag-uusapan. Kasi ngayon talaga, right now it’s not on my plate.”

Diretsong tinanong si Bea kung tomboy ba siya dahil parang wala siyang interes sa mga guys? “Ay hindi po! Babae po ako, so far. So far! Ha-hahaha!”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki? “Wala akong requirements, wala akong checklist, eh. Kung darating siya, darating. Kumbaga ngayon hindi ko siya iniisip, pero if it will happen, hindi naman sa hindi ako ready, but for now it’s not on my plate.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending