Liza mas pinili ang Darna kesa sa bonggang pelikula sa Hollywood | Bandera

Liza mas pinili ang Darna kesa sa bonggang pelikula sa Hollywood

Ervin Santiago |June 28,2017
facebook
share this

Liza mas pinili ang Darna kesa sa bonggang pelikula sa Hollywood

Ervin Santiago - June 28, 2017 - 12:01 AM

MAS pinili ni Liza Soberano ang magbida sa bagong movie version ng “Darna” kesa sa isang bonggang Hollywod movie.

Kinumpirma kamakailan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz na napilitan silang i-turn down ang offer ng isang Hollywood producer dahil punumpuno na ang schedule ng Kapamilya actress.

Bida rin daw ang magiging role ni Liza sa nasabing Hollywood film at nagustuhan din ng dalaga ang materyal, pero hindi nga nagswak sa schedule niya.

May iba pa raw inaalok na proyekto sa ka-loveteam ni Enrique Gil pero nakapag-commit na nga sila sa “Darna” at wala nang libreng araw ang aktres hanggang December.

Maraming fans naman ni Liza ang nanghinayang, pagkakataon na raw sana ng dalaga na ma-penetrate ang Hollywood na mailap na mailap sa mga Pinoy artists.

Di hamak na mas bongga raw ito sa ginagawang pelikula ni Kris Aquino for Hollywood release. Balita kasing maikli lang ang role ng TV host sa nasabing proyekto pero ito ngang offer kay Liza ay bidang-bida agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending