SSS membership status | Bandera

SSS membership status

Liza Soriano |June 28,2017
facebook
share this

SSS membership status

Liza Soriano - June 28, 2017 - 12:10 AM

ITO ay patungkol sa liham ni Eliseo Lamsen ng  Brgy. Poblacion, Sta. Barbara, Pangasinan. Isa siyang Grab driver na nag-resign sa dating trabaho. Tanong niya ay  kung paano niya maipagpapatuloy ang pagiging miyembro ng  SSS at hindi maputol ang kanyang benipisyo.

REPLY: Bilang tugon sa email ni G. Eliseo Lamsen tungkol sa pagpapatuloy niya ng paghuhulog sa SSS.
Hindi po nabanggit ni G. Lamsen ang kanyang SSS number kaya hindi po namin maberepika ang kanyang rekord.

Gayunpaman, nabanggit po niya sa kanyang sulat na dati na siyang miyembro ng SSS at naipagbayad ng buwanang kontribusyon ng kanyang dating employer. Kung kaya maaari po niyang ipagpatuloy ang kanyang paghuhulog bilang boluntaryong miyembro. Ang kailangan lamang niyang gawin upang mapalitan ang kanyang membership status ng voluntary member ay punuan ang nakalakip na Contribution Payment Return Form at direktang magbayad ng buwanang hulog sa pamamagitan ng mga sumusunod.

Over-the-counter (OTC) sa alinmang SSS branch na may tellering units
Bayad Centers
Automatic Debit Arrangement (ADA) sa mga SSS Accredited Banks
Bancnet Online

Para po sa katanungan ng ating mga miyembro, maaari din po silang mag-email [email protected] o tumawag sa call center 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming nabigyang-linaw ang inyong katanungan.

Salamat po,
Sumasainyo,
.L. FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Monitoring and Feedback
Media Affairs Department
Noted:
MA. LUISA P.
SEBASTIAN
Department
Manager III
Media Affairs
Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending