Piolo niregaluhan ng scholarship sa private school ang 2 anak ni tatay Ryan | Bandera

Piolo niregaluhan ng scholarship sa private school ang 2 anak ni tatay Ryan

Julie Bonifacio |June 27,2017
facebook
share this

Piolo niregaluhan ng scholarship sa private school ang 2 anak ni tatay Ryan

Julie Bonifacio - June 27, 2017 - 12:05 AM

OVERFLOWING ang tuwa at saya ni Inigo Pascual upon learning na nag-number one sa BillboardPH Charts ang kanyang kanta na “Dahil Sa ‘Yo.” Kinikilala ng BillboardPH Charts ang mga OPM hits base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms.

Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at YouTube. Kasama rin dito ang download sales data mula sa Apple iTunes.

Katulong nito ang Nielsen Music para mabuo ang listahan ng mga nangungunang awitin.

Si Inigo ang sumulat ng “Dahil Sa ‘Yo,” ang carrier single ng kanyang self-titled debut album mula sa Star Music na naging certified hit mula noong inilabas last October.

Siyempre, ang unang naging happy sa achievement ni Inigo ay walang iba kundi ang kanyang ama na si Piolo Pascual. Mas excited at nauna pa nga raw si Piolo kay Inigo na mag-post na number one ang nasabing song sa social media.

“Well, he’s always been happy with everything that I’ve been doing. Ever since I started doing music talagang alam niyang ito ang gusto kong gawin. Nauna pa siyang mag-post sa akin sa Instagram. Mas na-excite pa siya. So, sobrang masaya ako to make him happy through that, to make him proud.

“So, big deal para sa akin and to know that, you know, he appreciates what I’ve been doing and he’s there to support me and yeah,” pahayag ni Inigo.

With his new achievement, one way or the other, masasabi na nating Inigo was able to get out na from his father’s shadow.

“Mahirap siyang sabihin na oo kasi po, it’s inevitable because I’m always gonna be his son and that’s something that can’t be taken away from my situation and I don’t take it negatively.

“Of course, I’m proud of it. I’m very proud to be his son. But to say that I’ve officially and completely taken out of his shadow is a hard thing to say,” say pa niya.

Sa ngayon, mas magpo-focus daw siya sa kanyang music. Hindi raw muna siya aarte sa kamera although hindi naman niya sinasara completely ang kanyang acting career.

“I’ll be gonna be writing for more songs, for sure. Ngayon po nagi-school ako. I’m currently first year summer semester po. So, tinatapos ko lang po ‘yun. Hopefully, matapos ko ‘yung four years ng mas mabalis. But, mostly po music po talaga ang gusto kong gawin and I’m very happy where I am at right now.

“Sobrang saya ko na I’m able to reach out to people and I’m able to really show who I am through my music,” paliwanag ni Inigo.

q q q

Speaking of Papa P, sobrang nabagbag ang damdamin ng aktor sa real-life person na ginampanan niya bilang “selfless man” sa ginawa niyang episode sa Maalaala Mo Kaya two Saturdays ago.

Nag-trending ang pagganap ni Piolo bilang si Ryan Arebuabo, ang ama sa likod ng viral photo kung saan kumakain ang kanyang dalawang anak sa isang fastfood habang siya ay nakatingin lang.

Lingid sa kaalaman ng marami, malaki ang naitulong ni Papa P sa kanya na tumatayong single parent sa kanyang dalawang anak. Ipinangako ni Piolo na bibigyan niya ng scholarship ang dalawang anak ni Ryan sa isang private school.

“Wala na po akong hihilingin pa. Basta makapag-aral lang iyong mga anak ko. Iyong gamot at pera, sandali lang iyon. Pero kung iyong mga anak ko, nakapagtapos sila, wala na akong mahihiling pa,” lahad ni Ryan.

Bukod sa scholarship, binigyan din siya ni Piolo ng cellphone upang matawagan niya ito sakaling mangailangan siya ng tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

No wonder, patuloy pa ring pinagpapala ang career at personal life ni Piolo dahil sa kabutihan ng kanyang puso. May your tribe increase Papa P!

Si Ryan ay nagka-stroke noong 2013, dahilan kung bakit hirap siyang kumilos sa ngayon ngunit nagsusumikap pa rin siyang gumalaw upang maghanap-buhay para sa kanyang mga anak. Matapos maging viral ng kanilang litrato, marami ang nag-abot ng tulong pinansyal sa kanya kung kaya’t nakapagpundar siya ng isang tindahan at dalawang secondhand na motor para pampasada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending