Bea ayaw patalbog kay Barbie, naghubad din sa Palawan | Bandera

Bea ayaw patalbog kay Barbie, naghubad din sa Palawan

Jun Nardo |June 27,2017
facebook
share this

Bea ayaw patalbog kay Barbie, naghubad din sa Palawan

Jun Nardo - June 27, 2017 - 12:01 AM

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Binene

AYAW talagang pakabog ni Bea Binene kay Barbie Forteza. Hayun at nagtampisaw na naman siya sa isang beach sa Coron, Palawan at ipinakita ang kanyang hot bod sa suot na bikini. Nakawala sa taping ng Mulawin vs Ravena si Bea kaya sinamantala niyang mag-beach kahit na nga tag-ulan na.

Of course, may permiso ng madir niya ang pagsusuot ng swimsuit. Kung minsan nga ay ang protective mother niya ang namimili ng shots na ipo-post niya sa social media.

Sa isang interview, sinabi ni Bea na ginawa niyang motivation sa pagpapayat ang mga negative comments sa kanya ng basher sa social media.

“Ang daming nagsasabi na ang taba-taba ko, ang taba ko sa TV, ang laki-laki sa TV. So pumayat na po ako kahit paano,” aniya.

Samantala, pahinga muna si Barbie sa primetime series. Nakatakda niyang gawin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Ken Chan sa Regal Multimedia, Inc., ang “This Time I’ll Be Sweeter” mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending