Nanay ni tisay na young actress pakialamera na inggitera pa | Bandera

Nanay ni tisay na young actress pakialamera na inggitera pa

Cristy Fermin |June 27,2017
facebook
share this

Nanay ni tisay na young actress pakialamera na inggitera pa

Cristy Fermin - June 27, 2017 - 12:15 AM

MARAMING personalidad na nakatungtong ang mga paa sa lupa kahit sikat na. Marami ring artistang wala pa namang napatutunayan ay nagmamaangas na. At maayos man ang mga personalidad ay nababalewala ‘yun dahil sa pang-eepal ng kanilang ina.

Stage mother. Pakialamerang nanay. Malditang mommy. Mayabang na mama. At marami pang ibang katawagan. Ganu’n kung ilarawan ang mga nanay na mahilig umeksena sa pag-aartista ng kanilang mga anak.

“Maraming ganyan. Okey sa una, pero kapag nagkakaroon na ng name ang anak, pakialamera na. nadadala na ng mga sigaw at palakpak! Nauuna pang lumaki ang ulo kesa sa anak!” unang sultada ng aming source.

Dati nang napapansin ng kanyang mga katrabaho ang pagiging stage mother ng nanay ng isang young actress. Mapagpatol ang kanyang ina sa mga fans ng mga artistang kasabayan niya.

“Marami silang sabay-sabay na ipinakikilala nu’n sa network na pinagtatrabahuhan nila. Nu’n pa man, e, inirereklamo na ng marami ang mommy niya. Pakialamera kasi. May pagkainggitera.

“Kapag nalaman niyang may bagong trabaho ang kasabayan ng anak niya, magtatanong na agad siya sa production kung bakit napag-iiwanan ang daughter niya. E, ang galing-galing daw namang umarte ng anak niya.

“Natural, naiinis sa kanya ang ibang nanay, masyado kasi siyang nagbibilang, naiinggit siya sa mga artistang kinukuha para sa mga programa ng istasyon.

“Naku, ang dami-dami na ngang projects ng anak niya, di ba? Hindi siya napapahinga. Katatapos pa lang ng seryeng pinagbibidahan niya, e, meron na naman siyang uumpisahan.

“Ano pa ba naman ang hinahanap niya, e, parang sa anak na nga yata niya napupunta ang mga projects sa network? Ano ito, ayaw na niyang bigyan ng rest ang anak niya? Work na lang nang work, ganu’n?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung kaninong nanay ang kinaiinisan ngayon, paborito n’yo ring doll ang kapangalan niya, promise!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending