Jolo sa estado ng relasyon nila ni Jodi: Kung anong meron kami ngayon, masaya kami! | Bandera

Jolo sa estado ng relasyon nila ni Jodi: Kung anong meron kami ngayon, masaya kami!

Ervin Santiago |June 26,2017
facebook
share this

Jolo sa estado ng relasyon nila ni Jodi: Kung anong meron kami ngayon, masaya kami!

Ervin Santiago - June 26, 2017 - 12:05 AM

HINDI diretsong sinagot ni Jolo Revilla kung tuloy pa rin ang relasyon nila ni Jodi Sta. Maria o hiwalay na tulad ng mga napapabalita sa social media.

Sa isang panayam sa actor-politician, tila iniiwasan nitong mapag-usapan ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jodi, “All I can say is that, kung ano yung meron man kami ngayon, masaya po kami.”

Masaya rin si Jolo na naipagpatuloy na rin ng aktres ang kanyang pag-aaral, “Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na rin niya ang pangarap niya na maging isang doktor dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology, so I’m very happy for her.”

Dagdag pa ng anak nina Bong Revilla at Lani Mercado, “Nakita naman natin na sunod-sunod yung trabaho niya. Kumbaga binigyan din siya ng priority ng school dahil may home study din sila.

“Tingin ko naka-focus pa rin naman siya sa showbiz. Kumbaga du’n sa mga libre niyang oras isinasama na niya ang pag-aaral,” sey pa ni Jolo.

Gusto pa rin siyempre na makabalik sa akting ng binatang politiko dahil mahal na mahal daw niya ang showbiz na kinalakihan na niya, “Kung uukol, bubukol. I’m not closing any doors pero ngayon ang priority natin is public service, pero sa acting, ngayon wala pa.”

Isa sa mga regular na pinapanood ngayon ng aktor-politiko ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at kung kukunin daw siya ng Dreamscape Entertainment para mag-guest sa number one action serye sa bansa, ay hindi niya ito tatanggihan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending