KathNiel, LizQuen, Jodi sa Malaysia, Thailand, HK, at Vietnam | Bandera

KathNiel, LizQuen, Jodi sa Malaysia, Thailand, HK, at Vietnam

Reggee Bonoan |June 25,2017
facebook
share this

KathNiel, LizQuen, Jodi sa Malaysia, Thailand, HK, at Vietnam

Reggee Bonoan - June 25, 2017 - 12:01 AM

ANG loveteam na KathNiel (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) kasama ang aktres na si Jodi Sta. Maria ang sinasabing pinakasikat at hinahanap sa mga bansang Malaysia, Thailand, Hongkong at Vietnam.

Nalaman namin na ang mga pelikula at teleserye ng mga nabanggit ng Kapamilya stars ang pinapanood sa mga nasabing bansa at gustung-gusto nila ang mga artista natin dahil magagaling daw.

Tinanong namin sa isang taga-ABS-CBN kung bakit hindi nabanggit ang tambalang JaDine (James Reid at Nadine Lustre), “Walang reaksyon, siguro mas patok sila sa US,” sagot sa amin.

Mas hinahanap pa nga raw sina Maymay Entrata at Edward Barber na parehong produkto ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, sa mga nabanggit naming mga bansa.

“Take note, hindi lang mga Pinoy ang may gusto sa kanila, pati ‘yung locals doon, mga bagets, talagang humihiyaw sila,” sabi pa ng aming source.

Lalo na ngayon, talagang inaabangan ang La Luna Sangre, at balitang lalabas na ang mga karakter nina Kathryn at Dbniel sa Lunes (Hunyo 26) kaya talagang mega-abang na ang kanilang mga fans.

Base sa umeereng kuwento ng La Luna Sangre ay hinahanap na ni Sandrino (Richard Gutierrez) ang anak nina Mateo (John Lloyd Cruz) at Lia (Angel Locsin) na si Malia dahil base sa propesiya ay ang bata ang papatay sa kanya pagdating ng araw kaya hangga’t maaga ay gusto na niyang patayin.

At dahil hindi matagpuan kung nasaan na si Malia ay lahat ng bata sa baryo kung saan nakatira sina Mateo at Lia ay pinagpapatay ni Sandrino kaya napilitan ang mga kababaryong ituro kung nasaan ang bata.

Ang asawa ni Victor Neri (Frederick) na si Ina Raymundo (Veruska) ang nagturo kay Sandrino kung nasaan si Malia sa kagustuhang maipasa sa anak niya ang power ng anak nina Mateo at Lia.

Samantala, muling nakakuha ng mataas na rating (33.9%) ang LLS nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending