1st album ni Maymay soldout agad; nag-taping na sa ‘La Luna’ | Bandera

1st album ni Maymay soldout agad; nag-taping na sa ‘La Luna’

Ervin Santiago |June 23,2017
facebook
share this

1st album ni Maymay soldout agad; nag-taping na sa ‘La Luna’

Ervin Santiago - June 23, 2017 - 01:47 PM

MAYMAY ENTRATA

GRABE! Iba talaga ang karisma at magic ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa madlang pipol.

Imagine, soldout agad ang kanyang self-titled debut album under Star Music sa kauna-unahang launching nito na ginanap sa SM Skydome recently. Ibig sabihin talagang over pa sa 100% ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga fans.

Sumuporta rin sa album launch ni Maymay ang ka-loveteam na si Edward Barber at ang mga kaibigang sina Yong Muhajil, Vivoree Esclito, Marco Gallo at Kisses Delavin na nakasama rin niya sa loob ng Bahay ni Kuya noon.

Sa panayam ng ABS-CBN sinabi ng dalaga na puro pagpapasalamat na lang sa Diyos ang ginagawa niya ngayon dahil sa patuloy na pagdating ng blessings sa buhay niya.

“Noon po kasi parang pa-char-char lang, pero ngayon bigla na binigay sa akin tapos malakihan pa kaya masayang-masaya po ako, sobra talaga lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga,” sey ng dalaga.

Siguradong mas magiging busy na nga schedule ngayon ni Maymay dahil bukod sa promo ng kanyang album, nagsimula na rin silang mag-taping ni Edward para sa seryeng La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending