Ex-actor sinuwerte sa anak ng TV/movie producer | Bandera

Ex-actor sinuwerte sa anak ng TV/movie producer

Den Macaranas |June 23,2017
facebook
share this

Ex-actor sinuwerte sa anak ng TV/movie producer

Den Macaranas - June 23, 2017 - 12:10 AM

DAIG pa ang nanalo sa Lotto ang buhay ng isang dating macho actor sa piling ng kanyang misis na executive ng isang malaki at sikat na kumpanya.

Patuloy sa pamimili ng mga lupain sa ilang lalawigan ang aktor na ngayon ay abala sa kanyang organic farming.

Sinabi ng ating Cricket na bagaman hindi sumikat nang husto ang kanyang career sa showbiz ay okay lang dahil higit naman na mas maganda ngayon ang kanyang buhay courtesy ng mas may edad pero super rich na wifey.

Noong isang taon ikinasal ang dalawa ilang buwan makaraang ma-annuled ang kasal ni misis sa kanyang dating asawa na isa ring abogado.

Pero bago pa man natapos ang annulment case ay magkasintahan na sila ng nasabing aktor na minsan ay naging paborito ring target ng mga matrona.

Noong una ay matindi ang pagtutol sa guy ng tatay ni misis dahil nga naman sa dudang ang kanilang business empire lang ang target ni aktor.

Para maalis ang duda ay hindi nya ito binigyan ng posisyon sa kanilang malaking “network” bagkus ay binigyan niya ang aktor ng sariling negosyo kaugnay sa hilig nito sa farming.

Mahusay naman sa negosyo ang aktor at kahit paano ay unti-unti na niyang napapalaki ang business pero hindi naman ito nangangahulugan na okay na siya 100 percent sa pamilya ng kanyang misis.

Duda pa rin ang ilan sa mga ito na hindi talaga pag-ibig bagkus ay pera lang ang habol nya sa kanyang may-bahay.

Pero wala silang magawa dahil talagang inlab si madam sa gwapitong aktor na matagal na rin pala niyang crush.

Sinabi pa ng ating Cricket na wala na ring nagawa ang pamilya ni girl dahil simula pagkabata ay kilala na ito bilang spoiled brat sa kanilang pamilya.

Ang aktor na nagpapayaman ngayon sa pamamagitan ng negosyong pinondohan ng kanyang mayamang misis ay si actor S….as in Sinta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang super rich niyang misis na executive ng isang malaking kumpanya sa may kahabaan ng Edsa ay si Madam G…as in Goose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending