Gil: Nagseselos mga kaibigan ko, ang swerte ko raw kay Jennylyn! | Bandera

Gil: Nagseselos mga kaibigan ko, ang swerte ko raw kay Jennylyn!

Ervin Santiago |June 20,2017
facebook
share this

Gil: Nagseselos mga kaibigan ko, ang swerte ko raw kay Jennylyn!

Ervin Santiago - June 20, 2017 - 12:10 AM

INGGIT na inggit ang mga katropang lalaki ng Kapuso hunk actor na si Gil Cuerva dahil kay Jennylyn Mercado.

Ayon sa binata, palagi siyang sinasabihan ng ilang kaibigan na ang swerte-swerte niya dahil pagpasok pa lang niya sa showbiz ay si Jen agad ang itinambal sa kanya na itinuturing ngayong pambansang hot mama.

Nang matanong kasi ang baguhang Kapuso actor kung may nagseselos ba sa part niya kapag may intimate scenes sila ni Jen sa serye nilang My Love From The Star, napangiti muna siya bago sumagot.

“Uh, none that I have heard off except sa mga friends ko. Mga kaibigan ko na boys, ha. I mean nagseselos in a way na ang swerte ko raw dahil nakatrabaho ko agad si Jen,” sagot ni Gil na balitang may non-showbiz girlfriend nga ngayon na very private ang buhay kaya as mush as possible ay ayaw na muna niya itong pag-usapan.

Physically, ano yung unang nagustuhan mo kay Jen? “Yung face niya sobrang maganda, so you’ll be attracted to that. Yan siguro yung best quality niya sa physical side. At sexy naman talaga si Jen, eh.”

Nakaka-relate ba siya in a way sa karakter niya sa MLFTS bilang si Matteo na isang alien na umibig sa isang mortal sa katauhan ni Steffi (Jen), lalo na ang pagiging inosente?

“Kunyaring inosente po. Ha-hahaha! Siguro yung similarities namin ni Matteo yung pagiging distant niya sa ibang tao. Kasi ako parang defense mechanism ko na yung may constant distance. Pag hindi ko pa kilala. Actually kahit yung nag-modeling ako.

“Generally as a person yun yung self-defense mechanism ko kasi pag hindi mo kilala yung isang person. Trust issues siguro po. Minsan nakaka-experience ako na akala mo trusted yung isang tao tapos yun pala bina-backstab ka na,” paliwanag ni Gil.

Tinanong din namin si Gil kung na-meet na niya ang boyfriend ni Jen na si Dennis Trillo? “Parang isang beses pa lang po. I just introduced myself parang we were just walking somewhere along GMA tapos nagkataon nagkasalubong kami. Ako yung lumapit sa kanya sabi ko, ‘Hi! I’m Gil.’ Tapos he introduced himself din, yun lang. I mean yun lang, no conversation or anything.”

Nakakapag-usap na rin daw sila ni Jennylyn ng ilang bagay-bagay tungkol sa kanilang buhay, “Personal, pero not too personal. Hindi ako nagpi-feeling close kay Jen. Parang hindi ako sumisipsip na pretending to be you know.

“Parang for me yung relationship namin casual lang. Pag nagkukuwentuhan kami, we talk about mga interest namin, stuff that’s been going on. Hindi naman to the point na todo na, parang lahat kinukuwento or tinatanong ko kay Jen,” paliwanag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anong masasabi mo na parang isa ka nang sex object ngayon dahil maraming nagkakagusto sa ‘yo, lalo na ang mga beki, “Keri lang. You know I appreciate it. It means na gusto nila ako pero it’s not something I put so much thought into. Thankfully they find me attractive, sexy or whatever. But sana naman in the future ma-notice nila na maganda rin ang acting which is now I am trying to get better.”

May nagbiro naman kay Gil kung bakit wala pa rin siyang pictorial na naka-trunks, marami kasing bading na gusto siyang makita in skimpy underwear? “Wala pa, eh. Sige, next time promise! Speedo ba gusto n’yo? Yung tight? Sige!” palabang sagot ni Gil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending