Horoscope, June 20, 2017 | Bandera

Horoscope, June 20, 2017

Madam Sophia |June 20,2017
facebook
share this

Horoscope, June 20, 2017

Madam Sophia - June 20, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isa lang ang solusyon upang umunlad – lakas ng loob. Ang mga pinanganak sa petsang 20 ay mahina ang loob, pero kapag lumakas ang loob at tumapang ang lahat ng tagumpay sa materyal at ligaya sa pag-ibig ay mapapasainyo ng walang kahirap-hirap. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi lalago ang kabuhayan kung lagi sa iyong may umaasa. Lumayo muna sa sinilangang bayan. Sa malayong lugar mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig sa malayong lugar mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung hindi mo tatapusin ang mga nakabinbing gawain matatabunan ka na naman ng mga deadline. Wag kukupad-kupad. Laylo muna sa madalas na pagso-social media, ang mga bagay na may kaugnayan sa career at pera ang unang pahalagahan. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kahit umuulan, umpisahan mo ng palaguin ng palaguin ang kabuhayan upang yumaman. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag haluan ng awa at emosyon ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan upang hindi ka malugi. Sa pag-ibig, okey na ka-relasyon ang isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Lahat naman ng tao ay may utang. Baon nga lamang yong iba, habang yong iba ay nakaka-ahon pa. Makaaahon ka rin sa mga pagkakautang sa tulong ng isang Aries. Sa pag-ibig sa isang Sagittarius makakadama ng true love. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag maging mapaglaro lalo na sa pag-ibig, baka ikaw naman ang laruin ng kapalaran. Maging tapat sa minamahal. Sa pinansyal, maging totoo at maging malambing sa mga kliyente upang tuloy-tuloy kang umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Magiging masaya at maunlad ang araw na ito maglalagay nang kurtinang may disenyong bulaklak at mga halaman na kulay pink o kaya’y kulay pula. Sa nasabing disenyo, mas lalong darami ang suwerte at dating ng magagandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kahit panay ang buhos ng ulan hindi ka dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa payong, salbabida, bangka, tsinelas, kapote, at iba pang produktong pang-tag-ulan. Suwerte ka sa tubig at dyan ka yayaman. Mapalad ang 2, 7, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Dosya-Om”. Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa kawalang ingat at padalos dalos na diskarte darating ang malaking problema. Sa pag-ibig, may isang immoral na relasyong mabubuksan – layuan mo agad. Sa pinansyal, isipin munang mabuti bago maglabas ng pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, maging maluwag sa mga tauhan, upang hindi ka nila kamuhian. Sa pag-ibig, mahalin pang lalo ang matiising kasuyo, upang lalo kayong umunlad at lumigaya. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Gayatri-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan – sunggaban mo agad. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Aum.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag ikalungkot kung papaubos na ang pera, sa susunod na buwan ng Hulyo kusa uling madadagdagan ang income. Tandaang “weather-weather lang yan.” Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Scorpio. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending