Magiging caregiver ba sa Canada? (2) | Bandera

Magiging caregiver ba sa Canada? (2)

Joseph Greenfield |June 20,2017
facebook
share this

Magiging caregiver ba sa Canada? (2)

Joseph Greenfield - June 20, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Abbie ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte
Problema:
1. Sa tulong ng pinsan kong babae na nakapag-asawa ng isang Canadian citizen sa ngayon ay nag-aaplay ako bilang caregiver sa Canada. At naisipan kong humingi ng tulong sa inyo upang itanong kung makakaalis ba ako sa taong itong 2017 at kung sakaling makaka-alis ako magiging maganda naman kaya ang buhay ko sa Canada?
2. At isa ko pa nga palang concern ko ay wala akong boyfriend sa ngayon dahil pangarap ko ring na makapag-asawa ng isang foreigner. Sa palagay nyo Sir Greenfield matutupad kaya ang lahat ng pangarap kong ito? December 28, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Abbie ng Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos ang mahaba at nakakainip na paghihintay, sa tulong ng isang Virgo maaari siya ang pinsan mo, sa taon ding ito ng 2017 may isang mabiyaya at mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo ay taga-ibang bansa at tulad ng iyong inaasahan, isang foreigner na halos kasing edad mo rin, guwapo at mistisohin ang porma, na sa badnang huli ay tuluyan mo na ring mapapangasawa.
Luscher Color Test:
Upang patuloy kang suwertehin saanman lugar ka ipadpad ng kapalaran, ugaliing gumamit ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay, tuloy-tuly ang dating at buhos ng magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Abbie ayon sa iyong kapalaran, darating na ang pinaka-hihyintay mong suwerte at ito ay magaganap sa taong kasalukuyan 2017 sa buwan ng Nobyembre o kaya’y Disyembre, sa edad mong 27 pataas, kung saan, makapangigibang bansa ka at magiging caregiver, at pagkatapos kauting panahon pa sa nasabi ring bansa, isang foreigner ang iyong magiging boyfriend at siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya sa bansang Canada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending