MRT 3 beses nagkaaberya

By Leifbilly Begas June 19,2017
share this

MRT 3 beses nagkaaberya

By Leifbilly Begas June 19,2017
share this

MRT

Tatlong beses nagka-aberya ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga.
Ayon sa service status ng Department of Transportation and Communication-MRT3, unang nagka-aberya ang tren alas-6:25 ng umaga.
Pinababa ang mga pasahero ng tren sa GMA Kamuning station north bound.
Muli itong nagka-aberya alas-7:12 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa Guadalupe north bound station.
Nagka-technical problem muli alas-10:15 ng umaga sa pagitan ng Cubao at GMA Kamuning stations.
Pinababa ang mga pasahero sa Kamuning station north bound alas-10:18 ng umaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending