Maine: Alam kong hindi pang-forever ang showbiz, at mahirap po ang buhay ng artista! | Bandera

Maine: Alam kong hindi pang-forever ang showbiz, at mahirap po ang buhay ng artista!

|June 19,2017
facebook
share this

Maine: Alam kong hindi pang-forever ang showbiz, at mahirap po ang buhay ng artista!

- June 19, 2017 - 12:01 AM

 

HANGGANG ngayon ay tinatanong pa rin ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza kung bakit tinatamasa niya ngayon ang mga swerteng dumarating sa kanyang buhay.

Dalawang taon pa lang ay sobra-sobrang blessing na raw ang dumating sa kanyang unexpected showbiz career, “Sobrang bilis talaga ng mga nangyari sa amin ni Alden (Richards). Lalo na po sa akin. Two years pa nga lang ako, ganito na, sunod-sunod.”

Bukod sa pagiging phenomenal star at isa sa most followed TV perso-nality sa social media, pa-tuloy pa rin siyang tinatawag na one of the most trusted product endorsers sa bansa, “Parang hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang meron. Bakit? Parang isang question sa akin yun na hindi ko po masasagot.”

Pagpapatuloy pa ni Maine, “Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden na very supportive sa mga i-neendorse namin. Kapag nakikita na may bago akong endorsements, talagang sinusuportahan nila.”

Alam din ni Maine na hindi pang-forever ang showbiz, “Kasi po, hindi ko naman pinangarap na mapunta sa ganitong posisyon. Kasi, akala po siguro ng iba, madali siya, very relaxed. Akala po si-guro nila, puro glitz and glamour, walang paghihirap sa ganitong buhay. Siyempre, meron din pong downside ang pagiging artista.”

Mismong mga loyal fans ni Maine at kanyang mga kaibigan ang nagpa-patunay na never yumabang si Maine sa kabila ng kanyang tagumpay. Sey nga ng dalaga, “Siguro ito yung isang bagay na hindi ka dapat malunod. Kasi, pana-panahon lang din naman po ‘yan. Ang sa akin na lang, habang nasa ‘yo, enjoy mo.”

At bilang patunay na malakas pa rin ang hatak ng dalaga sa mga Pinoy, halos lahat ng kanyang endorsements ay nananati-ling tiwala sa kanyang karisma, kabilang na nga riyan ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na sinasabing top-selling and most loved tocino ngayon sa bansa.

“Nakakatuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. First year ko pa lang sa showbiz, nakuha na nila ko. Hanggang ngayon. Isa ito sa mga unang endorsements ko at nagtiwala sa akin,” ani Maine.

Pinag-uusapan ngayon ang bagong ad campaign ni Maine para sa CDO Funtastyk Young Tocino, kung saan ibinabandera na natagpuan na niya ang kanyang “forever”. Inakala kasi ng maraming AlDub fans na si Alden na ang tinutukoy ng dalaga sa teaser ng campaign.

“Very unique ang concept. Parang ilo-launch nila na very mysterious sa tao. Kung ano nga ba ‘to, anong klaseng beauty product na bandang huli, malalaman nila na tocino pala,” chika pa ni Maine.

Samantala, naniniwala pa rin ang mga fans nina Maine at Alden na may forever din sa AlDub. They still believe na sina Maine at Alden ang itinadhana at walang pwedeng sumira sa relasyon ng dalawa.

Matindi pa rin ang ginagawa nilang pagdarasal para sina Maine at Alden pa rin ang magkatuluyan sa huli. Sa katunayan, kilig na kilig ang AlDub fans sa naging mensahe ng tatay ng dalawang Dabarkads para sa kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base kasi sa mga message ni Tatay Dub at Daddy Bae last Saturday sa Father’s Day special ng Eat Bulaga, mukhang pati sila ay umaasa na mauuwi rin sa kasalan ang relasyon ng AlDub.

Sey nga ng isang netizen, “Feel na feel nina Daddy Bae at Tatay Dub ang pagiging magkakapamilya. I know botong-boto sila sa pagpapakasal ng AlDub sa tunay na buhay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending