Quantcast

Kim, Gerald, Jake maraming nai-inspire na triathlete dahil sa ‘ILAI’

PANIBAGONG yugto ng kanilang buhay ang hinaharap ngayon nina Gabriel (Gerald Anderson) at Bianca (Kim Chiu) sa daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ito’y matapos nga silang mapili bilang tandem at endorser ng energy drink na Tigershark na pagmamay-ari ni Carlos (Jake Cuenca), dahilan para mas tumindi ang galit nito kay Gabriel.

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng magkakabatang sina Bianca at Gabriel at ngayo’y nakikilala nang triathletes sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ni Roman (Michael De Mesa), ang ama ni Carlos na kumakatawan sa Tigershark.

Ngunit matindi ang pagtutol dito ni Carlos, iniisip niya na mas karapat-dapat siyang maging endorser ng sariling kumpanya. Dahil dito, mas magiging mainit ang tapatan nila ni Gabriel at patutunayang wala itong lugar sa kanyang kumpanya at sa puso ni Bianca.

Sabay naman sa mas lumiliit nilang mundo ang patuloy na pagsuyo ni Rigor (Daniel Fernando) kay Victoria (Ayen Munji-Laurel), na mas naglalapit sa kanila sa pa-nganib mula kay Roman. Ngunit sa pilit nilang pag-iwas hindi inaasahang maririnig ni Carlos ang kanilang usapan at mabubuking ang kanilang pinakatatagong sikreto – si Carlos ang tunay na anak ni Rigor kay Victoria.

Paano nga kaya makaaapekto sa kanilang mga buhay ang rebelasyong ito? Ano nga kaya ang gagawin ni Roman kapag nalaman niya ang panlolokong ginawa ni Victoria? Saan naman kaya hahantong ang tapatan nina Gabriel at Carlos para kay Bianca?

Samantala, patuloy naman ang pamamayagpag ng serye sa national TV ratings sa pagtala nito kamakailan ng national TV rating na 17.8%, kumpara sa katapat nitong serye na nagtala lamang ng 8.6%, ayon sa datos ng Kantar Media noong Martes (Hunyo 13).

Hindi rin nagpapahuli ang netizens sa pagbabahagi ng papuri sa programa sa pagiging consistent trending topic ng Ikaw Lang Ang Iibigin sa online world.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang ang Iibigin, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Samantala, dahil sa serye ng Kimerald marami tuloy ang nai-inspire na pasukin na rin ang mundo ng triathlon. Kitang-kita naman kasi ang epekto nito sa katawan nina Ge, Kim at Jake na fit na fit ang mga katawan ngayon.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement