Wish ng ama: Alden sana maging daddy ka na rin! | Bandera

Wish ng ama: Alden sana maging daddy ka na rin!

Jun Nardo |June 18,2017
facebook
share this

Wish ng ama: Alden sana maging daddy ka na rin!

Jun Nardo - June 18, 2017 - 12:01 AM

Bidang-bida naman ang mga tatay ngayong araw na ito, ang Father’s Day. Dalawa na marahil sa sikat na mga ama ngayon ng celebrities ay ang father ni Alden Richards na si Richard Faulkerson na mas kilala bilang Daddy Bae at ang father ni Maine Mendoza, na Tatay Dub naman ang tawag.

Kahapon sa Eat Bulaga Father’s Day presentation, guests sina Daddy Bae at Tatay Dub. Sa Twitter photo na inilabas ni Alden, twinning silang mag-ama.

Tawag nga ng fans sa dalawang ama ay balae na, huh! Biro ng father ni Alden sa post niyang selfie sa Twitter, “BALAE! Pa fansigt plith!” habang hindi nakatingin sa kamera si Tatay Dub.

Sa EB kahapon, lumutang ang guwaping na Papa Sol ni Baby Baste, ang ama ni Bae Kenneth na nakipaghatawan sa kanya sa sayawan, si Daddy Glend, si Daddy A ng musical hero na si Blaster Silongga, na isa ring singer.

Duet naman ang ginawa ng mag-amang Faulkerson with matching konting pa-cute na sayaw.

Bidang-bida naman sa sayawan sina Maine at Tatay Dub, huh!

Sa finale, tabi-tabi silang apat. Si Tatay Dub ang katabi ni Alden habang si Meng ay si Dady Bae ang nasa tabi!

Siyempre, tulaley ang lahat sa pagsasama nilang apat dahil happy family ang kanilang dating! Sa bigayan ng mensahe, biro ni Daddy Bae kay Alden, “Alden, sana maging daddy ka na rin!”

Message naman ni Tatay Dub, “Kulang pa si Matti sa bahay!” na tinutukoy ang pamangkin ni Meng.

Napamulagat lang ang mata ni Meng sa tinuran ng ama na para bang na-pressure na sa pagkakaroon ng baby.

Happy Father’s Day sa inyong lahat!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending