Hiling ng beking fans kay Gil: Shower scene pa more! | Bandera

Hiling ng beking fans kay Gil: Shower scene pa more!

Ervin Santiago |June 17,2017
facebook
share this

Hiling ng beking fans kay Gil: Shower scene pa more!

Ervin Santiago - June 17, 2017 - 12:15 AM

GIL CUERVA

WALANG dahilan para magselos si Dennis Trillo kay Gil Cuerva.

Patok na patok ngayon ang tambalang Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa GMA Telebabad series na My Love From The Star. Gabi-gabing sinusubaybayan ng Kapuso viewers ang nakakabaliw at nakakakilig na love story nina Steffi (Jen) at Matteo (Gil) sa MLFTS kaya naman patuloy itong humahataw sa ratings game.

Sa katunayan, ilang araw matapos ipalabas ang nakakalokang kissing scene nina Gil at Jennylyn sa Pinoy version ng Korean hit series na My Love From The Star, patuloy pa rin itong humahamig ng likes at views sa YouTube at sa social media!

Ayon sa mga K-Drama fans na nakuha nina Jennylyn at Gil ang tamang timpla ng mga highlights na eksena. Hinalikan ni Steffi si Matteo dahil alam niyang siya ang may control sa panaginip niya, at dito ay ibinuhos niya ang nararamdaman kay Matteo.

Tamang gulat at kilig naman ang nakita sa expression ni Matteo na halatang gustung-gusto rin ang halik ni Steffi. Palala na nang palala ang kilig na pinaparamdam ng dalawang ito sa mga manonood gabi-gabi. At tiyak na #kiligoverload pa rin ang mararamdaman ng mga JennyGil fans sa mga susunod na episode.

Kamakalawa, nakausap namin si Gil at nagpapasalamat nga siya sa lahat ng mga pumupuri sa kanilang serye. Nag-thank you rin siya sa kanyang mga basher na pumupuna sa kanyang acting, sa halip daw na mapikon siya sa mga ito, mas ginaganahan pa nga raw siya para pagbutihin ang kanyang trabaho.

Feeling flattered din siya sa mga beking nagsasabi na takam na takam sila kapag napapanood siyang naka-topless sa MLFTS at sana raw ay mas marami pa siyang gawing shower scene.

Natanong si Gil kung nape-pressure ba siya sa kanyang acting? “Siyempre po. Actually since December pa, since the moment na in-announce na ako yung magiging Matteo ng My Love From The Star. Ayun nandoon na ‘yung pressure kasi may expectations sila lalo na sobrang successful ng original Koreanovela at talagang maraming humahanga kay Kim Soo-hyun (original Matteo). Big shoes to fill.

“Aside from that, ‘yung unang choice was Alden Richards, who is GMA’s most successful leading man of the moment, aside of course, from Primetime King Dingdong Dantes. So ayun, just by that alone ang laki ng pressure sa akin.”

May nagsabi naman na malaki ang posibilidad na marating din niya ang level nina Alden at Dingdong,

“Ha-hahaha! Huwag po tayong assuming, go with the flow lang. Gusto ko po pero ayoko maging assuming. Tingnan natin, sana nga umabot po doon. Pero hindi ako nag-e-expect.”

Maraming girls and gays ang nagsasabi na napakaswerte ni Jennylyn dahil nakakarami na raw ito ng halik kay Gil, natatawang sagot ng binata, “Ako yung maswerte siyempre. I guess fans will be like that.

But that’s just part of the job. Ginagawa lang namin ‘yung utos ni direk Joyce (Bernal).”

Comfortable na rin daw sila ni Jen sa kanilang mga halikan, “Opo opo. This kissing scene naman po, nakailang takes pero hindi siya ganu’n karami sa first na kinunan naming kissing scene. So this one I think is more…,” pabiting chika pa ni Gil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang My Love The Star sa GMA Telebabad after Mulawin vs Ravena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending