Erich Gonzales laging inirereklamo dahil daw sa sobrang kamalditahan | Bandera

Erich Gonzales laging inirereklamo dahil daw sa sobrang kamalditahan

Ronnie Carrasco III |June 17,2017
facebook
share this

Erich Gonzales laging inirereklamo dahil daw sa sobrang kamalditahan

Ronnie Carrasco III - June 17, 2017 - 12:10 AM

ERICH GONZALES

MINUS the successive attempts at guessing ay nahulaan agad ng nga tagapakinig ng programang “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules ang bida sa blind item na ibinahagi ni Tita Cristy Fermin.

Courtesy ‘yon ng isang mapagkakatiwalaang source whose name Tita Cristy opted not to mention.
Sangkot sa kwento ang isang young actress na kamakailan ay may shoot in the cold environs of Tagaytay. Sa kabila ng malamig na klima roon ay nagre-request pa ng bentilador ang aktres.

Pero hindi du’n naloka ang buong team na katrabaho ng hitad. Supposedly ay magkakaroon ng anim na wardrobe changes ang aktres during the entire shoot.

Pero nakalimang palit lang siya, pagod na raw siya, tama na raw ang ibinihis niya. Nagkatinginan siyempre ang staff particularly the stylist and makeup artist na involved sa shoot, pigil na pigil ang kanilang pagkainis sa nag-iinarteng young actress.

Pero nang tumalikod na ito’t papalayo, hindi na nakatiis ang isa sa kanila. Monosyllable punctuated with an exclamation point lang ang naibulalas nito: “Bitch!”

 

***

Matapos ikuwento ‘yon ni Tita Cristy ay nag-umapaw na ang sunud-sunod na text messages na naglalaman ng hula ng mga nagpadala. Maging ang Facebook page ng “CFM” was peppered with a resounding common guess – si Erich Gonzales.

Hindi na bago sa aming pandinig ang mga ganitong quirks ni Erich at work. Patented na kasi sa kanya ang orihinal na bansag bilang “Simang” for “simangot.”

And whoever has the temerity to snatch this title away from her will only end up nothing but a second-rate, trying hard copycat!

Kami man ay nakatanggap ng isang forwarded message tungkol sa nasaksihan at naranasang asal ni Erich ng dating nakatrabaho, and we quote: “Maldita talaga ‘yan. Ilang teleserye na niyan at mga pelikula ng Star Cinema ang nasamahan ko kung saan tinarayan kaming mga talents dahil nagtatawanan kami. Ayaw daw niya ng maingay!” unquote.

Consistent naman pala si Erich who keeps a record of misdemeanor cases, but why does it go unnoticed ng pamunuan ng network na kinabibilangan niya? Hindi ba tinatawag ng mga bossing sa ABS-CBN ang kanyang atensiyon?

Kung matatandaan, noong kasagsagan ng pang-aaway niya sa dating nobyong si Daniel Matsunaga ay pinagharap sila ng ABS-CBN in an attempt to put a muzzle in her mouth (dahil may tour sila abroad at kailangang sweet-sweetan sila for fans’ sake).

Next thing, bait-baitan na si Erich, kulang na lang bawiin niya ang lahat ng kanyang mga sinabi laban kay Daniel na pinalabas niyang mukhang pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano’ng kaibahan nito sa pagsuheto kay Erich sa mga pag-iinarte niya sa trabaho? Won’t this affect her career even more adversely?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending