Kakalas ba sa palikerong mister? | Bandera

Kakalas ba sa palikerong mister?

Beth Viaje |June 16,2017
facebook
share this

Kakalas ba sa palikerong mister?

Beth Viaje - June 16, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ano bang gagawin ko, matagal na akong nagtitiis sa asawa ko. Kung hindi lang siguro sa mga anak namin ay matagal na akong kumalas sa kanya.

Ilang beses ko na siyang nahuling nambabae, pero gaya ng payo ng mga kaibigan ko pagtiyagaan ko muna dahil ako rin daw ang kawawa dahil wala naman akong hanapbuhay para mabuhay ko ang mga anak namin.

Noong una kaya ko pang tiisin pero parang lalo siyang lumalala.

Kinausap ko na rin mga magulang niya para naman tulungan ako na kumbinsihin ang mister ko na magbago. Pero wala pa ring nangyayari. Ano bang dapat kong gawin?

Faith Marie

Dear Faith Marie,

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, alang- alang sa mga anak mo, teh, walk out na!

Gusto mo bang kala-kihan ng mga anak mo ang ganyang set up?  Na iyong tatay nila ay  nambababae at ang kanilang ina ay nagdurusa?

Hindi ba mas mabuting kalakihan nila na ang ina nila ay matibay, matapang at kayang maghanapbuhay at hindi kunsumido sa tatay nilang palikero?

Mahirap ang buhay pero mas madaling kayanin ang pagod na katawan sa kakatrabaho kesa tortured ang isip at damdamin!

Kahit siguro magtinda ka lang ng bananaque, ice candy o sago’t gulaman sa labas ng bahay, makakaraos kayo kesa hintaying tumino at hayaang takot-takutin ka ng mister mo.

Mas kawawa ka kung wala ka na ngang trabaho, pinagtitiisan mo pa ang palikero mong mister. Paano kung magka STD (sexually transmitted diseas) yan?

Paano kung makabuntis ng iba?

Kung walang nangyayari, gumawa ka ng pangyayari, kumilos ka, mabuhay at magmaganda! (Pero wag na munang magboylet ha!)

Ateng Beth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa pag-ibig, pamilya, career?  Magtanong na at may sey si Ateng Beth diyan.  I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending