Quantcast

Makapag-aabroad ba si mister? (2)

By

Sulat mula kay Nelissa ng San Isidro, Matalom, Leyte
Problema:
1. Dahil sa hirap ng buhay sa ngayon ay nais ko sanang pagtrabuhin abroad ang mister ko. Ang problema lang ay mahina ang kanyang loob kaya sa ngayon ay kinukumbinsi ko pa siyang mag-aplay sa abroad at sumama sa kapatid niyang nagse-seaman. Tapos kasi ng seaman ang mister ko kaya lang ni minsan ay hindi naman siya nakasampa ng barko, pero kumpleto naman siya ng papeles para makapag-abroad.
2. Gusto ko lang malaman kung sakaling pumapayag ang mister ko na mangibang-bansa, matutuloy kaya siya at magkakaroon kaya siya ng maunlad na karanasan sa ibang dagat? September 5, 1988 ang birthday ng mister ko at October 10, 1989 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Nelissa ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Virgo (Illustration 2.) ng iyong mister ang nagsasabing susuwertehin siya sa ibayong dagat kaya nga lamang ang magiging tukso sa kanya ay ang mga bisyo. Subalit kung maiiwasan niya ang bisyo, lalo na ang sugal, tuloy-tuloy na nga siyang susuwertehin hanggang sa mapaunlad niya ang inyong kabuhayan.
Numerology:
Ang birth date niyang 5 ng iyong mister ay nagsasabing sa sandaling siya ay nakapagbarko, tuloy-tuloy na iyon at siya ang sasawaan sa pangingibang-bansa. Kaya nga habang nasa abroad si mister, dapat mag-ipon ka nang mag-ipon upang kung dumating na ang retirement age ninyong mag-asawa, dahil marami kayong ipong pera, mabubuhay na lang kayo ng masarap at hayahay.
Luscher Color Test:
Mapalad naman kay mister ang kulay na silver, white at blue. Sa nasabing kulay, saan man dako siya ng mundo mapadpad, mas madali niyang masusungkit ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Nelissa, ayon sa kapalaran ng inyong mister at ng kapalaran na rin ng inyong pamilya, tama ang iniisip mo sa ngayon, himukin mo lang si mister na mag-abroad at bigyan mo siya ng lakas ng loob, makikita mo sa sandaling napapayag mo na siyang mangibang-bansa, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre, tuluyan ng makapagse-seaman si msiter, na magiging simula upang tuloy-tuloy na ring umunlad at lumago ang kabuhayan ng iyong pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement