Makapag-aabroad  ba si mister? | Bandera

Makapag-aabroad  ba si mister?

Joseph Greenfield |June 15,2017
facebook
share this

Makapag-aabroad  ba si mister?

Joseph Greenfield - June 15, 2017 - 02:03 PM

 

Sulat mula kay Nelissa ng San Isidro, Matalom, Leyte

Dear Sir Greenfield,

Dahil sa hirap ng buhay sa ngayon, nais ko sanang pag-abrodin ang mister ko, kaya lang mahina ang kanyang loob kaya sa ngayon ay kinukumbinse ko pa siyang mag-aplay sa abroad at sumama sa kapatid niyang nagse-seaman. Tapos kasi ng seaman ang mister kaya lang ni minsan ay hindi naman siya nasampa ng barko, pero kumpleto naman siya ng papeles para makapag-abroad. Gusto ko lang malaman kung sakaling pumapayag ang mister ko na mangibangbansa, matutuloy kaya siya at magkakaroon kaya siya ng maunlad na  karanasan sa ibang dagat? September 5, 1988 ang birthday ng mister ko at October 10, 1989 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Nelissa ng Leyte

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Kitang-kita ang malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa kaliwa at kanang palad ni miser. Ibig sabihin, tama ang iyong iniisip, sa sandaling nag-aplay sa abroad si mister bilang seaman,  sa takdang panahong inilaan ng kapalaran may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa kanyang kapalaran.

Cartomancy:

Ten of Hearts, King of Diamonds at Ten of Diamonds  ang lumabas  (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling napapayag mong pag-aplayin si mister sa abroad, walang duda, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre, sa tulong din ng kanyang kapatid na nagse-seman, mabilis siyang makakasampa sa barko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itutuloy….  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending