10 patay, 8 sugatan sa banggaan ng van vs trak sa Davao City | Bandera

10 patay, 8 sugatan sa banggaan ng van vs trak sa Davao City

|June 14,2017
facebook
share this

10 patay, 8 sugatan sa banggaan ng van vs trak sa Davao City

- June 14, 2017 - 03:53 PM

PATAY ang 10 katao, samantalang sugatan naman ang walong iba pa matapos bumangga ang isang pampasaherong van sa isang trak sa Bunawan district sa Davao City, kaninang umaga, ayon sa pulisya at mga rescuer.
Siyam sa mga biktima ang nasawi sa pinangyarihan ng insidente, samantalang namatay ang isa pa habang dinadala sa isang ospital, ayon kay Senior Insp. Ma. Teresita Gaspan, Davao City police spokesperson. Kabilang ang driver ng van sa mga nasawi.
Galing ang van mula sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley at patungong Davao City nang bumangga ito sa isang trak na nasa kabilang linya ganap na alas-5 ng umaga. Papunta naman ang trak sa Davao del Norte.
Binatikos naman ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno sa kabiguang madisiplina ang mga driver ng mga public utility vehicles na bumibiyahe sa lungsod.
“It seems that authorities have again faltered in their duties and obligations,” sabi ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending