Mga pasaway na pinsan dapat bang isumbong kay tita? | Bandera

Mga pasaway na pinsan dapat bang isumbong kay tita?

Beth Viaje |June 14,2017
facebook
share this

Mga pasaway na pinsan dapat bang isumbong kay tita?

Beth Viaje - June 14, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth.

Nineteen years old po ako. Nag-aaral dito sa Metro Manila. Galing po ako ng Visayas. Doon po ako ipinanganak, lumaki at nagkaisip.

Nakakapag-aral lang po ako ngayon dahil tinutulungan si mama ng kapatid niya na na narito sa Maynila. Hindi naman sila ganoon kayaman, pero may kaya po, siguro ang tawag doon.

Ang mga pinsan ko ay sunod sa layaw. Nakakapagsuot sila ng mga magagandang damit at kung ano-anong gadget meron sila. Mababait naman po sila sa akin. Wala akong masasabi sa kanilang pakikitungo sa akin. Hindi nila ako itinuturing na iba sa kanila.

Kaya nga po malaki ang problema ko kasi ang hindi ko po ma-take ngayon ay kung bakit sinasayang nila ang pinang-aaral sa kanila.

Magkakasama kami sa eskwela at kadalasan po ay di nagsisipasok, pero hindi alam ng tita ko ‘yung ginagawa nilang magkapatid. Nanghihinayang ako sa oportunidad na ‘yun ng mga pinsan ko.
Ang problema ko po ay kung dapat ko bang sabihin sa tita ko ‘yung ginagawa ng kanyang mga anak?

Jennylyn,
Las Pinas City
Dear Jennylyn ng Las Pinas City,

Mas maganda sigurong ipaalam mo sa tita mo ‘yung ginagawa ng mga pinsan mo; yamang si tita naman pala ang nagpapaaral sa iyo.

Aminin na natin na may posibilidad na magalit ang mga pinsan mo sa iyo. Pero ganoon talaga iyon, you cannot please everyone.

Ang mahalaga ngayon ay maipaalam mo sa iyong tita ang nangyayari (o hindi nangyayari) sa kanyang mga anak.

Kasi by the end of the school year, malalaman din ni tita ang totoo at baka magalit pa sa iyo kung hindi mo ito ipinaalam sa kanya gayong alam na alam mo ang nangyayari sa kanila.

Pero “magsumbong” ka in a nice way. Hindi iyong parang sinisiraan mo ang iyong mga pinsan sa nanay nila, dahil tiyak na ikaw ang lalabas na kontrabida. Parang FYI (for your information) only lang ba na pagsasabi.

Ask her to check also sa school to get the facts straight.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okidokie?
Yours,
Ateng Beth
q q q
May suliranin ka ba sa puso, relasyon, pamilya o maging sa datung, magtanong at may sey diyan si Ateng Beth. Mag-email sa [email protected] o mag-text sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending