Luis mas tumindi pa ang ginagawang pagpatol sa bashers; Jessy nahawa na | Bandera

Luis mas tumindi pa ang ginagawang pagpatol sa bashers; Jessy nahawa na

Cristy Fermin |June 14,2017
facebook
share this

Luis mas tumindi pa ang ginagawang pagpatol sa bashers; Jessy nahawa na

Cristy Fermin - June 14, 2017 - 12:10 AM

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

SA maraming anggulo ay masasabi ngang compatible sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Pareho silang mahilig sa scuba diving, maraming sports silang pinagkakasunduan, idagdag pa ang hilig nilang pumatol sa kanilang mga bashers.

Tawa kami nang tawa sa pakikipagkuwentuhan sa propesor naming kaibigan. Kabisado kasi nito ang kartada ng mga artista sa madalas nitong pagbababad sa social media.

Ang sabi nito tungkol kina Luis at Jessy, “Nakakaloka silang dalawa! May time talaga silang sumagot sa mga bashers, nakikipagtaltalan sila, lalo na si Luis na namemersonal pa ng mga bashers niya!

“Sa lahat ng mga artistang mahilig pumatol sa mga bashers, e, si Luis ang pinakamatindi. Namba-body shaming kasi siya, super-namemersonal, kaya maraming nanggigigil sa kanya!

“Ang iniisip ko lang, hindi ba siya pinangangaralan ng parents niya na mga artista rin at hindi naman palaaway na tulad niya?

Tahimik ang mga magulang ni Luis, kaya nakapagtataka kung kanino niya namana ang ugaling ganyan!” seryosong komento ni prop.

Compatible daw talaga sina Luis at Jessy kaya malakas ang kutob ng marami na magkakatuluyan ang dalawang ito. Madalas kasing nagiging dahilan ng mga artistang nagkakahiwalay ang incompatibility.

Pero sa totoo lang naman kasi, may mga bashers na sumosobra rin kung manghusga, kung mahina-hina lang at maigsi ang pisi ng pasensiya mo ay siguradong papatol ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending