Dasal ng KimErald fans: Sina Gerald at Kim pa rin sa ending | Bandera

Dasal ng KimErald fans: Sina Gerald at Kim pa rin sa ending

Ervin Santiago |June 14,2017
facebook
share this

Dasal ng KimErald fans: Sina Gerald at Kim pa rin sa ending

Ervin Santiago - June 14, 2017 - 12:01 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

NAKAKA-TENSE ang mga eksena kahapon sa nangungunang daytime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin, ha! Epal kung epal na naman kasi si Daniel Fernando (Rigor) na gumaganap na tatay ni Gerald Anderson playing Gabriel.

Talagang nakikialam na siya ngayon sa buhay ng anak, at ipinagpilitan pa ang sarili na maging manager ni Gabriel na kinuha na ngang bagong endorser ng Tiger Shark energy drink. Effective ang akting ni Daniel sa serye dahil talagang manggigigil ka sa mga eksena niya.

Sabi nga ng isang netizen na araw-araw daw nanonood ng ILAI, ang sarap daw ipatokhang ni Daniel para tuluyan na siyang mawala sa buhay ni Gabriel. Ang galing-galing ng mga confrontation scene nila ni Gerald, in fairness. Talagang maaapektuhan ka sa kademonyohan ni Rigor.

Siyempre, habang tumatagal ay mas lalo namang lumalalim ang galit ni Carlos (Jake Cuenca) kay Gabriel dahil bukod sa mas magaling itong triathlete sa kanya ay mas napapalapit pa ang kanyang mortal na kaaway sa babaeng kinahuhumalingan niya, walang iba kundi si Bianca (Kim Chiu).

Abangan kung hanggang saan aabot ang galit ni Carlos kay Gabriel, lalo na kapag nabuking na ang lihim ng kinikilala niyang ina na si Victoria (Ayen Munji Laurel) at ni Rigor. Hindi rin siyempre magpapatalo si Roman (Michael de Mesa) na walang kaalam-alam sa ginagawang panloloko sa kanya nina Victoria at Rigor.

Napapanood pa rin ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-Showtime sa ABS-CBN. Kasama pa rin dito sina Gina Pareño, Bing Loyzaga, Coleen Garcia at ang tambalan nina Andrea Brillantes at Grae Fernandez na naghahatid din ng karagdagang kilig sa mga manonood. Ito’y sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz.

Samantala, nakakatuwa rin ang ilang Kimerald fans dahil kahit may Bea Alonzo na si Gerald at may Xian Lim na si Kim ay patuloy pa rin silang umaasa na sa ending ay ang favorite loveteam pa rin nila ang magkakatuluyan.

Ayon sa kanila, hanggang hindi pa kasal sa iba, malaki pa rin ang posibilidad na sina Gerald at Kim pa rin ang itinadhana para sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending