‘Ang mamatay nang dahil sa iyo’ | Bandera

‘Ang mamatay nang dahil sa iyo’

Ramon Tulfo |June 13,2017
facebook
share this

‘Ang mamatay nang dahil sa iyo’

Ramon Tulfo - June 13, 2017 - 01:09 PM

MARAMING readers ng INQUIRER ang malamang ay napaiyak kahapon nang makita nila ang mga larawan ng mga sundalo na namatay sa pakikipaglaban sa Marawi City.

Ang mga mukha ng mga bayani na hindi nag-alangan na ibuwis ang kanilang buhay
upang maisalba ang republika ay maaaring ating mga anak, kapatid, pinsan at kaibigan.

Ilan sa kanila ay mga binata, ilan naman ay malapit nang ikasal at karamihan ay maaaring mga batang ama.

Huwag nating kalimutan na sila’y pasalamatan, sampu ng kanilang mga kasamahan na nasugatan sa labanan at yung iba pang nakikipagbarilan sa mga kalaban ng estado.

The INQUIRER paid the highest tribute to those fallen heroes by recalling a passage in the National Anthem (Lupang Hinirang), “ang mamatay nang dahil sa iyo’’, in citing their heroism.

Ang mamatay para sa Inang Bayan ay napakatamis!

 

***

 

Ano naman ang diperensiya kung ang mga US special troops ay kasali sa labanan sa Marawi City hindi bilang military advisers kundi bilang combatants?

Ang terorismo ay isang problemang pangkalahatan sa mundo at kailangang lahat ng bansa na gusto ng kapayapaan ay sumali sa pagsugpo sa salot ng terorismo.

Ang labanan sa Marawi ay hindi lang domestic problem, kundi problema  ng buong mundo.

Ang mga terorista sa Marawi ay gustong magtayo ng caliphate o Islamic government sa parte na yan ng Pilipinas. Kung sila’y maging matagumpay, sasakupin na rin nila ang buong mundo.

Bawat bansa na miyembro ng United Nations ay dapat may pananagutan na sugpuin ang terorismo sa Marawi City.

Kung nagpapadala ang Pilipinas sa ibang bansa ng peacekeeping force upon the request of the United Nations, bakit hindi natin tanggapin ang alok ng ibang bansa na tulungan tayo na sugpuin ang terorismo sa Marawi at sa ibang panig ng Pili-pinas?

 

***

 

Tuwing may patay na sundalo ay dinadalaw ng Pangulong Digong at nakikiramay sa mga naulila nito.

Lalo na ngayon, the President is busy condoling with the widows and orphans of soldiers who died fighting in Marawi City.

Ibang-iba itong pangulo natin ngayon doon sa dati.

Yung dati ay walang malasakit sa mga sundalo na napapatay sa pagtatanggol ng republika.

Nang dumating ang mga labi ng mga police commandos na napatay sa Mamasapano, Maguindanao dalawang taon na ang nakararaan, yung presidente noon ay hindi sumalubong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagkus ay dumalo siya sa inauguration ng isang car plant sa Laguna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending