Matteo kay Sarah: Dapat talaga malaman ng buong mundo na napakaganda niya! | Bandera

Matteo kay Sarah: Dapat talaga malaman ng buong mundo na napakaganda niya!

Ervin Santiago |June 13,2017
facebook
share this

Matteo kay Sarah: Dapat talaga malaman ng buong mundo na napakaganda niya!

Ervin Santiago - June 13, 2017 - 12:10 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

FEELING namin, talagang “sinasamba” ni Matteo Guidicelli ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. At in fairness, mas vocal ang binata sa pagbandera sa kanyang pagmamahal sa Pop Princess everytime na iniinterbyu siya.

Hindi man magdetalye nang bonggang-bongga si Matteo about his lovelife, mararamdaman mo talaga ang abot-langit na pag-ibig niya kay Sarah kapag tungkol na sa kanilang love story ang pinag-uusapan.

Tulad sa nakaraang presscon ng Sun Life Financial para sa Sun Shorts 2 digitial films, kung saan isa si Matteo sa mga celebrity endorsers, along with Piolo Pascual, Judy Ann Santos and Charo Santos, muling natanong ang singer-actor tungkol sa naging comment ni The Voice Teens coach Lea Salonga about Sarah’s true beauty na sinagot agad niya sa Twitter ng, “Siyempre naman!”

Muli nga itong napag-usapan sa Sun Life presscon, at aniya, “Siyempre, she compliments the person you love, it’s something nice. Totoo naman eh. Dapat buong bansa magsabi kasi maganda talaga siya.”

Umaasa ang mga fans nina Matteo at Sarah na aabot na sa kasalan ang relasyon ng dalawa dahil nga pinatunayan nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahal. Talaga raw ipinaglaban ni Matteo ang kanyang pag-ibig sa Pop Princess kaya hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending