Happy ending ba o kamatayan sa huling linggo ng My Dear Heart? | Bandera

Happy ending ba o kamatayan sa huling linggo ng My Dear Heart?

Ervin Santiago |June 11,2017
facebook
share this

Happy ending ba o kamatayan sa huling linggo ng My Dear Heart?

Ervin Santiago - June 11, 2017 - 12:05 AM

PATULOY na nagbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal at pagpapatawad ang ABS-CBN primetime series na My Dear Heart na lubos na tinangkilik at minahal ng mga manonood.

Sa huling linggo ng serye, alamin ang magiging kapalaran ng batang bida na si Heart, makakaligtas ba siya sa paghihiganti ni Dok Francis.

Muling hinangaan at kinapulutan ng aral ang palabas nang patunayan ni Margaret (Coney Reyes) na walang bagay o yaman ang makapapantay sa pamilya matapos ang paghaharap nila ng mortal niyang kaaway na si Albertus (Robert Arevalo). Ipinakita niyang posibleng magbago ang isang tao sa pamamagitan ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap ng mga kasalanan.

Bukod kay Margaret, kinabiliban din at nagsilbing magandang ehemplo sa kabataan ang batang si Heart dahil sa kabaitan nito. Naging instrumento rin siya upang baguhin ang mga tao sa kanyang paligid.

Hindi naman naging rason ang mga pagsubok para kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) upang sumuko. Nanatili silang matatag at puno ng pasasalamat sa Diyos sa kabila ng lahat ng hamon ng buhay na nagbigay din ng inspirasyon sa mga manonood.

Ginawa mang manhid ng kanyang mga karanasan, muling lumambot ang puso ni Gia (Ria Atayde) para sa kanyang anak at ibinigay ang lahat ng kanyang kaalaman at pag-aaruga upang mapagaling at mapabuti ang kalagayan nito.

Samantala, mula simula hanggang sa nalalapit na pagtatapos ng My Dear Heart ay palagi itong wagi sa ratings game. Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang serye ng pinakamataas na national TV rating na 32.6%, at hindi kailanman naungusan ng mga naging katapat nitong programa.

Matindi rin ang suporta ng netizens para sa palabas sa pagiging trending topic nito gabi-gabi sa Twitter at pag-ani ng papuri at libo-libong tweets.

Samantala, bagama’t nahuli na si Francis (Eric Quizon) sa kanyang mga kasamaan, gagawa naman ng paraan ang ama nitong si Albertus (Robert Arevalo) upang ipagpatuloy ang pagpapabagsak kay Margaret at pagsira sa pangalan nito.

Magtagumpay kaya si Albertus sa kanyang mga plano? Tuluyan na nga kayang gumaling si Heart at makasama muli ang kanyang pamilya pati na rin ang kaibigan at dakilang interpreter na si Bingo (Enzo Pelojero)? Ano pa nga kayang panganib ang nagbabadya sa kanilang mga buhay?

Huwag palampasin ang finale week ng teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending