Quantcast

Horoscope, June 09, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa pagsusuot ng kulay red. Habang nakasuot ng kulay na pula, sasaya ang relasyon at lalong lalago ang kinikita. Mapalad ang 3, 9, 27, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Bukod sa red ang blue ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mabubulilyaso ang transaksyon kung marahas kang magsalita. Panatiliin ang pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, sa sandaling bulyawan mo na naman ang kasuyo, grabeng tampuhan ang kasunod. Mapalad ang 8, 18, 27, 31, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Nakiel, Kedemel, Hagiel.” Purple at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag guluhin ang isipan sa mga bagay na hindi pa naman dumarating. Kung ano ang hawak, yon na lang ang pagkasyahin. Sa pag-ibig, hindi dapat paghinalaan ng hindi maganda ang kasuyo, masisira lang ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 26, 29, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag matakot mawalay sa pamilya, kailangan mo itong gawin upang umunlad ka. Sa pag-aabroad may magandang kapalarang mapapala. Sa pag-ibig, sa ibayong dagat mas masarap na relasyon ang magaganap. Mapalad ang 5, 14, 22, 36 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Green at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansiyal, bago gumawa ng pagpapasya, mag-dasal muna, upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sa isang Cancer na madasalin mas maraming masasayang relasyong darating. Mapalad ang 4, 12, 21, 27, 29, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Hani-Om”. Gray at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panahon na upang ipayapa ang isipan. Sa ganyang paraan, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, mainit na romansa ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Samantalahin ang magandang kinikita sa negosyo, magdagdag pa ng puhunan. Sa pag-ibig, regaluhan ng bagong cell phone ang minamahal upang lalong mapalapit ang loob nya sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kapag alam mo ng palugi ang kasalukuyang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang pagluha ang magiging wakas, wag ng ituloy ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad_Me-Om”. Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kahit anong problema ang dumating, isang kaibigang Taurus ang tutulong sa iyo. Sa pinansiyal, isang Taurus din ang maaari mong mautangan. Sa pag-ibig, bagamat okey ang isang Taurus, higit kang kikiligin sa isang Cancer. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa bagong love interest mas magiging makulay ang karanasan. Sa pinansiyal, sa bagong kalakal na may kaugnayan sa pagkain, mas malaking kita ang maibubulsa. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Dum vita est espes est.” Violet at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangang kayanin upang kumita ng malaking halaga. Sa taon ding ito may pangingibang bayang itatala. Sa pag-ibig sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag magkulong sa bahay. Sa pakikihalubilo sa lipunan, may malaking oportyunindad na mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, sa labas ng bahay mas nakakikilig na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunam-Hunam-Om.” Yellow at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ituring na ito na ang huling araw. Palaguin ng palaguin ang kabuhayan, upang marami kang maipamana sa iyong mga anak. Sa pag-ibig, bigyan ng mainit na yakap ang kasuyo – darating ang panahong mawawala ka na, at wala na ring yayakap sa kanya. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement