Horoscope, June 08, 2017

By Madam Sophia June 08,2017
share this

Horoscope, June 08, 2017

By Madam Sophia June 08,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Laging dumalaw sa bahay dalanginan at sa mga tahimik na lugar upang mawala ang mabibigat na problema. Kung magiging payapa ang isipan, lalong lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig mahalin ang kasuyong Libra. Mapalad ang 6, 17, 28, 29, 39, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — May sopresang naghihitay. Sa pag-ibig, muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal. Sa pinansyal mas higit sa inaasahan ang darating na salapi bago matapos ang buwan ng unyo. Mapalad ang 1, 8, 19, 28, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Lilac at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansiyal, habang nagbibigay lalong madodoble ang pera. Sa pag-ibig, isang payat na nilalang ang magpapalasap sa iyo ng wagas na kaligayahan. Mapalad ang 6, 17, 25, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Om-Joviyo.” Green at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa mabilisang pagdedesisyon, mabilis na aasenso at uunlad. Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo para sa muling pakikipag-date sa kasuyong masarap romomansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 39, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Blue at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi mo dapat asahan ang iyong kasuyo. Kailangang magkaroon ka ng sariling career at diskarte. Sa pag-ibig, unti-unti ng nayayamot ang iyong kasuyo dahil sa ugali mong palaasa. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Tama ang iyong ginawa, hangga’t kaya mo pang magpasensya gawin mo. Hindi magandang ang pakikipag-away lalo na sa business at sa larangan ng pag-ibig. Maging mahinahon at panatiliin ang ugaling mapag-mahal. Mapalad ang 1, 17, 23, 41, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Alleluia-Amen-Alleluia-Om”. Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Magiging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Sa tulong ng isang Capricorn, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig sa isang Taurus mo masusumpungan ang pang habang buhay na ligaya. Mapalad ang 5, 14, 13, 28, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Dosya-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — May suwerteng nakalaan sa magaling mag-luto lalo na sa tulad mong isang Libra. Magluto ng masarap na pagkain upang suwertehin ka. Sa pag-ibig, sa sandaling natikman ng kasuyo ang masarap mong timpla, hahanap hanapin ka na nya. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kahit na salapi ang pinakmahalaga, hindi ka dapat dumiskarte sa maling paraan upang kumita. Lagi pa ring lumagay sa panig ng kautihan upang magtulo-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6-19-28-39-40-43. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pangingibang bansa mas madali kang uunlad at liligaya. Sa pag-ibig, angkop at ka-compatible mo ang isang Aries. Mapalad ang 7, 18, 21, 28, 30, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Veda-Vajur”. Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang taong may mabuting kalooban ang lagi ng binubuwenas – magpakabait ka! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi at kabuhayan. Sa pag-ibig, kabaitan din ang susi ng isang maligayang relasyon. Mapalad ang 7, 11, 25, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag malungkot, ganyan talaga ang buhay, dumarating at nawawala talaga ang pera. Sa pag-ibig wag ng magpauto sa kasuyong lagi ng nangungutang at kung ano-anong favor ang hinihingi. Dispatsahin na siya! Mapalad ang 4, 8, 19, 29, 33, at 35. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Gold at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag magtitiwala hangga’t hindi mo pa hawak ang pera. Sa pinansyal kung puro pangako wala ring pag-asensong magaganap. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang tag-ulan yayain sa isang pribadong lugar ang kasuyo. Mapalad ang 4, 15, 23, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Red at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending