Gusto ng magpakasal (2) | Bandera

Gusto ng magpakasal (2)

Joseph Greenfield |June 08,2017
facebook
share this

Gusto ng magpakasal (2)

Joseph Greenfield - June 08, 2017 - 01:54 PM

Sulat mula kay Aldryn ng San Vicente, Liloan, Cebu
Problema:
1. Magpa-5 years na ang relasyon namin ng kasalukuyan kong girlfriend sa darating na June 13 at halos ginagawa na namin ang ginagawa ng mag-asawa maliban na lang sa kami ay hindi pa kasal. Gusto na ng girlfriend ko na magpakasal kami baka daw kasi bigla siyang mabuntis at ako naman ay gusto ko na rin na mag-asawa at makapagtayo ng sariling pamilya at balak naming magpakasal sa susunod na taong 2018. Ang problema ay wala kaming pera na pampakasal lalo na at ang gusto ng girlfriend ko at ng mga magulang nya kahit simple lang daw ay sa simbahan.
2. Nakikita din po ba sa guhit ng palad kung ang isang tao ay biglang magkakapera ng malaking halaga halimbawa ay mananalo sa lotto para makapag-pakasal na kami sa simbahan sa susunod na taong 2018? November 13, 1989 ang birthday ko at July 4, 1991 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Aldryn ng Liloan, Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang girlfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo, dahil dito, basta manatili lamang kayong umaasa na magkakapera ng malaking halaga, siguradong ito ay matutupad – makikita mo bigla kayong makakasal sa simbahan sa 2018.
Numerology:
Ang birth date mong 13 at 4 naman ang girlfriend mo ay nagsasabing may bigla kayong suwerte sa buwan ng Nobyembre, Disyembre, sa taong ito ng 2017 sa buwan ng Enero at Pebrero sa taong 2018, higit lalo sa mga numero at petsang 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, at 28.
Luscher Color Test:
Basta’t lagi lang kayong magsusuot ng kulay na berde, dilaw at pula, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2017 hanggang 2018 bigla kayong magkakapera ng malaking halaga, sapat upang sa susunod na taong 2018 ay matuloy ang binabalak nyong kasal.
Huling payo at paalala:
Aldryn ayon sa iyong kapalaran, kusang matutupad ang plano nyong pagpapakasal sa simbahan, dahil hindi matatapos ang taong it ng 2017, bigla kayong magkakaroon ng malaking halaga sa isang hindi inaasahang pangyayari at pagkakataon. Sa panahong tinuran maipa-plano nyo na ang gagawin ninyong pagpapakasal sa 2018 sa ganitong panahon din ng Hunyo, kung saan, matutupad ang inyong pangarap na pagpapaksal sa simbahan na hahantong sa isang maunlad at maligayang pamilya habang buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending