Hamon kay Pia: Huwag pasindak sa dating partner ng ama, dapat matutong lumaban | Bandera

Hamon kay Pia: Huwag pasindak sa dating partner ng ama, dapat matutong lumaban

Ambet Nabus |June 07,2017
facebook
share this

Hamon kay Pia: Huwag pasindak sa dating partner ng ama, dapat matutong lumaban

Ambet Nabus - June 07, 2017 - 12:05 AM

MATINDI ang naging pagsalungat ng kapatid at pangalawang asawa ng yumaong ama ni Pia Wurtzbach sa napanood nilang life story ng beauty queen sa Maalaala Mo Kaya.

“All lies!” ang sey ng dating partner ng ama ni Pia na nagpakilalang si Robie Asingua sa mga ibinahagi raw ni Pia sa MMK. Tinawag pa nilang “liar” at “user” ang dating Miss Universe kasabay ng pagsasabing hindi raw kailanman nanghingi ng pera ang amang si Uwe Wurtzbach kay Pia.

“Big liar gusto pa magpasikat sikat naman sana…yung namatay nga c daddy ni singkong duling di tumulong yan. Shame to herself, sana multohin ni Uwe walanghiya sya. cnungaling, sana madapa sya ng subra at mawala lahat sa kanya,” ang sabi pa ni Robie sa kanyang Facebook post.

Nagbanta pa ito na huwag silang subukan at baka raw magpainterbyu na sila sa media to air their side of the story. May nakaka-shock pa ngang akusasyon ang pangalawang asawa ng tatay ni Pia na umano’y dahilan kung bakit iniwan at inabandona sila ng kanyang nanay.

Ayon naman sa followers ni Pia, dapat daw ay sagutin ng dalaga ang mga pasabog ng dating partner ng kanyang ama dahil sinisira raw nito ang kanyang kredibilidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending