Kris tinuhog sa kama sina Rafael at Ryan; nasarapan sa laplapan | Bandera

Kris tinuhog sa kama sina Rafael at Ryan; nasarapan sa laplapan

Jun Nardo |June 07,2017
facebook
share this

Kris tinuhog sa kama sina Rafael at Ryan; nasarapan sa laplapan

Jun Nardo - June 07, 2017 - 12:10 AM

DALAWANG aktor ang sumibasib agad kay Kris Bernal sa unang pagsabak niya sa mapangahas na proyekto ng GMA, ang remake ng seryeng Impostora.

Ang tinutukoy namin ay sina Ryan Eigenmann at Rafael Rosell na siyang makakatambal ni Kris na gaganap ng dual role sa Impostora bilang sina Nimfa at Rosette.

Kung agresibo si Kris sa mga eksena nila sa kama ni Ryan, si Rafael naman ay sinabasib siya sa lampungan sa kama dahil lasing kunwari ang aktor.

“He’s (Rafael) a good kisser! Ha! Ha! Ha! Pero nakikiliti ako lalo na’t hindi ako makatingin sa kanya. Ang guwapo niya kasi! Masarap! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Kris sa presscon ng GMA afternoon series.

Para magawa nang maayos ang love scenes, nagkaroon ng sensuality workshop sina Kris ay Rafael. Ayon naman sa aktor, “Nablangko ako nang gawin ‘yon ang eksena. Para sa akin na lang ang experience na ‘yon dahil it’s personal,” natatawang sabi pa ni Rafael.

“I guess, madami-dami na rin akong nadaanan na love scene. Ha! Ha! Ha! I guess, mas madali na in a way kasi alam mo na ang direksyon kung saan mo dadalhin especially malaki ‘yung tulong ng workshops na ginawa namin para matanggal ‘yung apprehensions at hiya sa isa’t isa.

“Main point naman of doing all these is entertainment. Whatever happens there, it’s there. At the end of the day, it’s another job. We’re just doing our job,” katwiran naman ni Ryan.

Kumusta naman si Kris bilang aktres? “Bilang aktres, wala akong reklamo kay Kris. Sobrang daling katrabaho.

“Sobrang suwabeng-suwabe lang ang eksena namin. Very easy to work with. So it’s been a good experience and honored to work with,” sey pa ng magaling na aktor.

Bukod sa love scene at kissing scene, kailangang abangan din ng manonood ang matinding drama sa bawat episode lalo na ang “madugong” face-off nina Nimfa at Rosette.

Sa June 19 simula na ang pagrampa, paglandi at pakikipag-ulayaw ng dalawang Kris sa Impostora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending