Pokwang kinilabutan nang kausapin ni Coco para sa 'Probinsyano Book 2' | Bandera

Pokwang kinilabutan nang kausapin ni Coco para sa ‘Probinsyano Book 2’

|June 07,2017
facebook
share this

Pokwang kinilabutan nang kausapin ni Coco para sa ‘Probinsyano Book 2’

- June 07, 2017 - 12:05 AM

MISMONG si Coco Martin pala ang pumili kay Pokwang para maging bahagi ng ikalawang aklat ng FPJ’s Ang Probinsyano. Matagal na palang pangarap ng komedyana ang makasama sa serye si Coco kaya dream come true ang pagkakapasok niya sa nangungunang serye sa bansa.

Sa panayam ni Eric John Salut kay Pokey, naikuwento niya kung paano sila nag-usap ni Coco tungkol sa magiging karakter niya sa serye, “Noong nag-show kami sa US ni Coco nitong April, sabi ko, chance ko na ito para masabi sa kanya na gusto kong mag guest sa teleserye niya. Noong dinner after ng show namin, papalapit na ako sa kanya, tapos sabi niya, ‘Mama Powks, alam mo may role ako for you sa Ang Probinsyano.

“Sa totoo lang, kinilabutan ako. Pag-upo ko, kinuwento na niya yung role na naiisip niya for me. Naloka ako. Kasi hindi lang guesting, new cast ng Book 2 pa. Kaya sa totoo lang, very memorable and fruitful sa akin yung trip na yon with Coco,” ani Pokwang sa nasabing panayam.

Sa pagkakaalam niya, isa siya sana sa mga magiging special guest sa serye last year pero hindi ito natuloy dahil sa kanyang schedule at talaga raw pinanghinayangan niya ito. Inggit na inggit nga raw siya sa kanyang American boyfriend na si Lee O’ Brian na isa sa mga unang naging guest sa Ang Probinsyano noong nagsisimula pa lang ito.

Ginagampanan ni Pokey sa serye ang pagiging may-ari ng bahay na inuupahan ng pamilya ni Coco at feeling blessed siya lagi sa taping dahil nga ang mga kaeksena niya ay ang Hari ng Teleserye at Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces. Promise pa ni Pokey, siguradong masa-shock ang madlang pipol sa magiging twist sa kanyang karakter.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending