Makaka-recover din ang ating turismo | Bandera

Makaka-recover din ang ating turismo

Ramon Tulfo |June 06,2017
facebook
share this

Makaka-recover din ang ating turismo

Ramon Tulfo - June 06, 2017 - 12:15 AM

ANG karumal-dumal na pangyayari sa Resorts World Hotel complex sa Pasay City ay makaaapekto sa ating turismo, lalong-lalo na sa mga turista na pumupunta sa bansa upang maglaro sa ating mga casino.

Pero makaka-recover ang bansa gaya nang pag-recover natin sa mga nakaraang sakuna.

Darating uli ang mga turista kapag sila’y
nabigyan ng kasiguruhan ng kanilang kaligtasan.

Ang peace and order, na centerpiece ng Duterte administration, ang magpapalago ng ating ekonomiya.

Darating ang mga foreign investments at turista kapag may katahimikan.
***

Napapanahon na
upang ipakita natin ang ating simpatiya at pag-alala sa mga sundalo at pulis na nakipaglaban upang iligtas ang ating republika.

Dapat tayong magkaisa bilang mamamayan sa ganitong pagpapakita ng ating pagpapasalamat sa ating mga sundalo at pulis gaya nang ginagawa ni Ramon Ang.

Si Ramon Ang, na president at chief operating officer ng San Miguel Corp., ay nagbigay ng P2 milyon sa bawat pamilya ng mga sundalo na napatay sa pakikipaglaban sa Marawi City.

“The best way we can honor our fallen soldiers is to try and help their loved ones have a chance at a better future,” ani Ang.

Dapat sumunod ang sambayanang Pilipino.
***

Sinimulan na ni retired Brig. Gen. Danny Lim ang kampanya laban sa korapsyon sa loob ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan siya’y bagong hirang na chairman.

Pinag-resign ni Lim ang isang MMDA executive na nagda-drive ng Mercedes Benz sports car na nabili nito habang nagtatatrabaho sa naturang ahensiya.

“He drives a sports car while ordinary
MMDA employees ride public transport,” sinabi ni Lim sa akin.

Ang marching order ng pangulo kay Lim ay linisin ang MMDA sa mga corrupt officials and employees.

Malulutas ang problema sa traffic sa Metro Manila kapag nawala na ang mga corrupt members ng MMDA, sabi ng dating heneral na sumali sa 1989 coup noong panahon ni Pangulong Cory Aquino.

***

Nakilala ko si Danny Lim, na nagtapos sa West Point, noong siya’y captain ng Philippine Army Ranger Regiment.

Masigasig siyang tumutuligsa sa kabulukan ng sistema ng administrasyon ni Cory Aquino.

Pinagkatiwalaan kasi ang inyong lingkod ng mga Rangers at may ilang mga sesyon sila kung saan free-wheeling ang discussion ng mga officers nito tungkol sa corruption sa loob ng Aquino administration.

Alam ng mga Rangers kasi noon na hindi ko ilalabas ang kanilang pinag-usapan sa kanilang kampo dahil ipinangako ko na off-the-record ang mga naririnig ko.

Kaya’t nang pumutok ang 1989 coup at napasabak ang mga Rangers ay hindi ako nagtaka.
***
Nagpaalam na ang inyong lingkod, sampu ng aking mga “angels” sa Isumbong mo kay Tulfo sa DWIZ.

Mapapakinggan na ninyo ang aking public service program sa Radyo ng Bayan sa 738 AM sa mga pihitan ng radyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kailangan kong umalis sa DWIZ, na naging forum ko sa pagtulong sa mga inaapi at kapus-palad nang matagal na panahon, dahil ayaw kong madamay ito sa galit sa akin ng isang grupo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending