Gerald sa relasyon nila ni Bea: Chill, chill lang, hindi kami nagmamadali! | Bandera

Gerald sa relasyon nila ni Bea: Chill, chill lang, hindi kami nagmamadali!

Ervin Santiago |June 06,2017
facebook
share this

Gerald sa relasyon nila ni Bea: Chill, chill lang, hindi kami nagmamadali!

Ervin Santiago - June 06, 2017 - 12:05 AM

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

MUKHANG swerte nga si Bea Alonzo sa buhay ni Gerald Anderson. Mula kasi nang mabalitang nagkakamabutihan na ang dalawa, sunud-sunod na ang dating ng blessings sa kanya.

Isa sa mga top-rating programs ngayon sa ABS-CBN ang reunion series nila ni Kim Chiu na Ikaw Lang Ang Iibigin, hinuhulaang magiging box-office uli ang second movie nila ni Arci Muñoz na “Can We Still Be Friends” under Star Cinema at marami na ring nadagdag sa kanyang product endorsements.

Ayon sa ilang supporters ni Gerald, naniniwala silang lucky charm ng Kapamilya hunk actor si Bea sa kanyang personal na buhay at showbiz career. Kaya umaasa sila na sa kasalan na rin mauuwi ang relasyon ng rumored couple.

Nagkakasundo raw sila ngayon ni Bea sa iba’t ibang klase ng sports, “Mahilig din siya tumakbo at ang lakas niya tumakbo. Okay naman kami. Masaya. Siyempre very busy sa mga schedules but we always try to find time. Chill-chill kami, eh.

“Sobrang okay kami sa sitwasyon namin. We’re happy and as long as nandu’n yung respeto. Hindi naman kami nagmamadali. Ako hindi ako nagmamadali. You guys have seen what I’ve been through so hindi naman ako nagdya-jump into something. As long as nirerespeto ko siya, nirerespeto ko yung oras na binibigay din niya sa akin,” pahayag ng binata sa isang panayam.

Samantala, naging bahagi na talaga ng lifestyle ni Gerald ang pagiging triathlete, na siyang sentrong tema ng daytime series nilang Ikaw Lang Ang Iibigin, “It’s a lifestyle talaga. Yung hinahanap mo talaga. Hindi kumpleto araw mo pag hindi ka nakapag-workout or nag-training so I’m just happy na nasa ganung stage ako ng buhay ko.

“It just brings happiness alam mo yun? Lahat kami pati si Jake (Cuenca), si Kim ganu’n din, eh. We’re just blessed to have something like this kasi lalo lang kaming na-mo-motivate,” sey pa ni Gerald.

Nagpapasalamat din ang aktor sa loyal fans nila ni Kim dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanila bilang magka-loveteam. In fairness, talagang 100 percent pa rin ang suporta ng mga loyalistang Kimerald kaya naman patuloy na tumataas ang rating ng kanilang serye at laging top trending topic sa social media.

Kahapon napanood namin ang episode ng ILAI, at talagang gagawin ni Carlos (Jake) ang lahat para matalo sa laban si Gabriel (Gerald) at mapahiya kay Bianca (Kim). Dahil dito, asar-talo naman si Carlos kay Isabel (Coleen Garcia) dahil ipinagpipilitan nitong takot na takot siyang matalo ni Gabriel sa triathlon.

Nakakaloka rin ang confrontation scene nina Gerald at Jake kahapon kung saan minaliit nga ni Carlos ang kakayahan ni Gabriel na ipanalo ang karera. Of course, hindi naman nagpatalo si Gabriel sa kayabangan ni Carlos kaya ang banta niya: “Magkita na lang tayo sa araw ng karera!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya sa lahat ng nabitin kahapon, tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento ng ILAI ngayong araw at sabay-sabay nating abangan kung sino talaga ang magiging champion. Napapanood pa rin ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending