Tatandang dalaga ba? (2) | Bandera

Tatandang dalaga ba? (2)

Joseph Greenfield |June 06,2017
facebook
share this

Tatandang dalaga ba? (2)

Joseph Greenfield - June 06, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay May ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. May 29, 1975 ang birthday ko at nitong nakaraang birthday ko, eksaktong 42 na ang edad ko subalit ang labis kong pinagtataka hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Gusto ko na sanang mag-asawa, hanggat nagkakaroon pa ako para magka-baby. Sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aasawa pa kaya ako o tatandang dalaga na lang habang buhay?
2. At kung sakaling makapag-aasawa ako kailan naman ito mangyayari o magaganap? At kung sakaling makapag-asawa, magkaka-baby pa kaya kami at kung lalaki ba o babae ba ang una naming magiging baby?
Umaasa,
May ng Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang iyong magiging kaibigan sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Hulyo o kaya’y Setyembre. Kung saan, ang pagkakaibigang ito ay hahantong sa isang matimyas at pang habang buhay na relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 ang iyong mapapangasawa at siya ay darating ngayong panahong ito ng tag-ulan, upang pagkatapos pagsapit ng edad mong bago mag-43 tuluyan ka ng makapag-asawa.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay asul at berde. Iyan ang lagi mong gamiting kulay, upang sa pag-ibig at sa lahat ng aspeto ng buhay, tuloy-tuloy kang suwertehin at patuloy na magkaroon ng mas magaganda at mabubuti pang mga kapalaran.
Huling payo at paalala:
May ayon sa iyong kapalaran, kahit 42 na ang edad mo sa kasalukuyan, siguradong makapag-aasawa ka pa rin at ang relasyong mabubuo ay hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na H.S. ay magsisimula sa taon ding ito ng 2017, tunay ngang sa panahong ito ng iyong buhay, isang masayang relasyon ang mararanasan na pagsapit na pagsapit ng taong 2018, sa edad mong 43 pataas, tulad ng nasabi na, tuluyan ka ng makapag-aasawa, bibiyayaan ng cute at magandang babaing sanggol hanggang ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy ng umunlad at pang habang buhay ng magiging maligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending