Horoscope, June 06, 2017 | Bandera

Horoscope, June 06, 2017

Madam Sophia |June 06,2017
facebook
share this

Horoscope, June 06, 2017

Madam Sophia - June 06, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Punuin ng pag-ibig ang bawat araw. Mahalin pang lalo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng salapi, upang lalo kang umunlad. Sa pag-ibig ipadama pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo, upang lalong uminit ang relasyon. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Walang mangyayari sa pakikipag-barkda na hindi ka naman kumikita. Mag-concentrate sa pag-iipon ng salapi para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo. Mapalad ang 3, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Govinda-Arjuna”. Gray at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Upang lumigaya at madaling yumaman pairalin ang ugaling materyoso at mapag-mahal. Sa pag-ibig, kung papairalin ang pagiging mapagmahal lalo liligaya at lalong sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 11, 30, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Aum-Bhuvah.” Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Tumatanda ka na! Paghandaan ang sariling future, panahon na upang mag-invest sa isang negosyong sure ang kita. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyo, sa panahon ng pagtanda siya na lang ang tangi mong maasahan at makakasama. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 47 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om”. Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Iwasang mag-reklamo upang ang magandang kapalaran ay hindi mapurnada. Tumango-tango ka lang hangga’t nagkakapera. Sa pag-ibig, wag ng tanggihan ang kasuyo, bumigay ka lang ng bumigay, para masaya. Mapalad ang 2, 11, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Init ang elemento ng Leo. Higit kang magiging mapalad kung magpapatuloy ang mainit na panahon. Sa pag-ibig, kapag bumuhos ang malakas na ulan, mapupurnada na naman ang pakikipagkita sa minamahal. Mapalad ang 4, 10, 19, 27, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Maging maingat sa pagpili ng kososyo, baka maloko ka na naman – iwasang makipagtransaksyon sa isang Leo. Sa pag-ibig suwetong-suweto sa iyong kapalaran ang isang Taurus, upang makamit ang isang maligayang relasyon. Mapalad ang 3, 14, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Magsikap pang lalo upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om”. Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang maging malihim. Panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Sa pinanasyal, hindi magtatagal mabibisto rin ang mga pasikretong transaksyon – mag-ingat! Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Githa-Bhagava”. Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang “Mamamana” o “The Archer” ay hindi dapat tumitingin sa likuran – yan ang iyong simbolo The Archer. Wag balikan ang nakaraan, upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad at ang kaligayahan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magtatagumpay sa negosyo kung hindi hahaluan ng emosyon. Tandang pera-pera lang ang labanan. Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag maniwala sa mga tsismis. Imbis na makinig sa mga utsusera at utsusero, mas mainam na pagbutihin ang pagnenegosyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong paniwalaan – ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Aum”. Blue at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pagpili ng mamahalin dalawang bagay lang ang dapat isaalang-alang. Ang ugali, sapagkat ang kabaitan ay hindi kumukupas. At pangalawa – dami ng salapi. Kailangang mayaman ang iyong makatuluyan upang maging instant yaman ka na rin. Mapalad ang 2, 7, 15, 25, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending