Quantcast

Siraulong talunan o terorista?

By

TATLUMPU’T pitong guest at empleyado ng Resorts Worlds Hotel ang namatay habang higit 70 katao ang su-gatan samantalang daan-daang milyong pisong halaga ng casino facilities ang nasunog.

Kilala na ang gunman, si Jessie Javier Carlos, na nakunan ng CCTV sa kanyang paglusob noong Bi-yernes ng hatinggabi. Si Carlos ay dating em-pleyado ng Department of Finance na One-Stop-Shop office dahil sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). Hiwalay sa asawa at merong mga anak.
Sabi ng PNP at AFP, hindi ito terorismo na gawa ng ISIS. Ganoon din sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at mismong si Pres. Duterte. Si House Speaker Pantaleon Alvarez naniniwala na ito’y “lone wolf terrorist attack”. Ipinipilit naman ng ISIS sa pamamagitan ng Amaq News Agency na sundalo nila si Carlos na ang pangalan daw ay Abul Khayr al-Arkhabili.
Kahapon, inilabas ng hotel ang buong CCTV footage ng gunman. I-binaba ng taxi driver mula Sta. Cruz, Maynila at sa entrance, nilapitan siya ng babaeng guwardya, pero hindi i-nintindi.
Nag-elevator patu-ngo sa casino kung saan sinimulan niyang sunugin ang mga mesa at slot machines. Nabigong makahanap ng pera sa “casino chips storage” pero kumuha raw ng P130 million worth na mga chips.
Nakabarilan ang ilang guwardya at pulis kung saan tinamaan siya at may dugo sa mukha. Umakyat ng room 510 at bago pumasok sinunog muna ang linen at carpet. At ilang minuto ay sinilaban ang katawang nakakumot na may gasolina at nagbaril sa ulo.
Maraming ispekulasyon ang iiral dito. Pero sa ganang akin, ang maliwanag na intensyon ng gunman ay “sunu-gin” ang casino dahil preparado siya sa dala niyang gasolina, lighter at M4 rifle at caliber .380 pistol.
Hindi nga siya namaril ng mga nakasalubong na tao pero sinilaban niya ang casino tables at slot machines sa Resorts World at ang 5th floor ng Ma-xim’s hotel na noong panahong iyon ay merong higit 11,000 hotel guests at empleyado.
Sa robbery angle, maliwanag na naghahanap ng “cash” ang gunman pero nang walang madala ay kumuha ng casino chips. Pero nang mabaril ng security guards at pulis, iniwan ang chips at umakyat sa Maxim’s at sinira ang pinto ng room 510. Sinunog muna ang carpet at linen sa labas bago nagbaril sa sarili.
Maging sa huling sandali ay gusto niyang sunugin ang 9 floors na Maxim’s hotel, mabuti na lang at maagang nailikas ang mga guests doon.
Naghahanap ako ng matinding galit sa panig ng gunman kung bakit niya gagawin ito nang nag-iisa. Dahil kung matindi nga ang galit niya, dapat pinutukan niya ang bawat makasalubong pero kalkulado ang galaw nito sa misyong “sunugin” ang casino.
Arson ang intensyon, pero sabi ng police at RWM may “attempted robbery” ang insidente.
Matapos ang paglusob ng Maute terrorists sa Marawi city, binabantayan ko ang order ng ISIS sa kanilang mga panatiko nitong buwan ng Mayo sa weekly journal nilang Rumiyah. Ang utos ay ganito:
“Gumamit ng anumang aksyon, krimen, giyera o terorismo para masaktan ang ekonomya ng mga hindi Muslim at kanilang mga gobyerno. Nakawan ang mga hindi Muslim at pwede silang patayin at kunin ang kanilang ari-arian!”
Konektado ba si Jessie Javier Carlos dito?
Kahapon, may knife attacks at vehicle ramming sa London Bridge at lumpo muli ang turismo at negosyo sa UK. Ganoon din ang turismo at negosyo dito sa atin dahil sa insidente sa Resorts World.
Ano sa palagay niyo?
Para sa komento o tanong, mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com .

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement