Halikan nina Diego at Sofia sa 'Pusong Ligaw' inaabangan na | Bandera

Halikan nina Diego at Sofia sa ‘Pusong Ligaw’ inaabangan na

|June 04,2017
facebook
share this

Halikan nina Diego at Sofia sa ‘Pusong Ligaw’ inaabangan na

- June 04, 2017 - 12:01 AM

 

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

IN fairness, mas lalo pang dumarami ang naaadik sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw after It’s Showtime. Patunay diyan ang patuloy na pagtaas ng rating nito nitong nakaraang linggo.

Sa social media ay usap-usapan din ang mga nakakalokang eksena nina Bianca King at Beauty Gonzales lalo na ang mga confrontation scenes nila ngayong muli nang nagkrus ang landas nila.

Hindi rin pahuhuli ang mga fans nina Sofia Andres at Diego Loyzaga na hindi nagsasawang mag-post sa social media ng mga nakakakilig at nakakatuwang mga eksena ng magka-loveteam sa Pusong Ligaw.

Sabi nga ng ilan nilang fans, hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nila napapanood ang mala-aso’t pusang eksena ng dalawa sa serye. Wish nga nila, sa mga susunod na episode ay mapanood na nila ang kissing scene mg magka-loveteam.

Ngayong linggo sa Pusong Ligaw, tutukan ang sunud-sunod pang rebelasyon sa masalimuot at challenging na buhay nina Tessa at Marga pati na rin ang mga pampa-good vibes na mga eksena nina Potpot at Vida na unti-unti nang nahuhulog ang damdamin para sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending