Edad ng pagreretiro ng mga minero binabaan | Bandera

Edad ng pagreretiro ng mga minero binabaan

Liza Soriano |June 03,2017
facebook
share this

Edad ng pagreretiro ng mga minero binabaan

Liza Soriano - June 03, 2017 - 12:10 AM

BINABAAN ng Social Security System (SSS) ang edad para sa sa opsyonal at teknikal na pagreretiro ng parehong surface at underground mineworkers mula sa dating 55 taong gulang ngayon ay 50 taong gulang na

Ito ay alinsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Order (DO) No.167 S-2016.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Emmanuel F. Dooc na

Sa bagong polisiya ng SSS, binabaan ang opsyunal na pagreretiro sa 50 taong gulang at ang teknikal o compulsory na pagreretiro sa 60 taong gulang para sa parehong underground at surface mineworkers.

Mula sa DOLE ang DO na nagpapatupad sa Republic Act 10757 o ang “An Act Reducing the Retirement Age of Surface Mine Workers from Sixty (60) to Fifty (50) Years, Amending for the Purpose Article 302 of Presidential Decree No. 442, as Amended, Otherwise Known as the “Labor Code of the Philippines”.

Batay sa panuntunan, kabilang sa mga itinuturing na surface mineworkers ay ang mill plant workers, electrical mechanical at tailings pond personnel habang ang underground mineworkers ay iyong mga kumukuha ng mineral deposits o sa ilalim ng lupa nagmimina.

Para makakuha ng benepisyo sa retirement, ang surface o underground mineworker ay kinakailangang nakapagbayad ng 120 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng pagreretiro. Kung ang mineworker ay nagretiro sa edad na 50, dapat ay hindi na siya magta-trabaho.

Maliban sa bilang ng buwanang kontribusyon, ang mineworker ay kailangang sertipikadong underground at surface mineworker ng kanyang employer na rehistrado sa Mines and Geoscience Bureau. Kailangan ding ipakita sa sertipikasyon ang posisyon ng empleyado at kung ano ang kanyang trabaho.

Sa oras ng pag-file ng retirement claim, ang mineworker ay dapat nakapagtrabaho na ng limang taon, tuloy-tuloy man o hindi bago ang semestre ng pagreretiro subalit ang mismong petsa ng pagreretiro ay hindi dapat mas maaga sa Abril 27, 2016—ang petsa kung kailan naging epektibo ang pagbaba ng retirement age.
Para sa iba pang detalye sa retirement claim para sa mga underground at surface mineworkers, maaaring tumawag ang mga miyembro sa SSS Call Center sa mga numerong 920-6446 hanggang 55 o mag-email sa [email protected].

Pres. and Chied Executive Emmanuel Dooc
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending