Kathryn, Nadine iniintriga ng mga fans dahil pareho ang pinasok na negosyo | Bandera

Kathryn, Nadine iniintriga ng mga fans dahil pareho ang pinasok na negosyo

Cristy Fermin |May 31,2017
facebook
share this

Kathryn, Nadine iniintriga ng mga fans dahil pareho ang pinasok na negosyo

Cristy Fermin - May 31, 2017 - 12:01 AM

Nakakatawa talaga kung minsan ang mga tagasuporta ng mga magkakalabang artista. May kuda ngayon ang mga fans ni Nadine Lustre na luminya lang daw sa nails business ito ay ganu’n din ang ginawa ni Kathryn Bernardo.

Binuksan na nu’ng nakaraang Biyernes ang KathNails Salon sa The Block, SM North EDSA, palaging matao ngayon sa 5th floor, dahil maraming personalidad na nagpapagawa ng mga kukong may disenyo sa KathNails Salon.

Ayon sa marketing manager ng KathNails ay tatlong taon na palang pinaplano ng pamilya Bernardo ang pagkakaroon ng nails salon pero hindi lang ‘yun nangyari dahil sa sobrang pagiging abala ng sikat na young actress.

Sabi ni Ogie Narvaez-Rodriguez, “Sa wakas, operational na po ngayon ang KathNails. Mula nu’ng Friday nang magbukas ang salon, sobra-sobra po ang mga clients na nagdaratingan.

“Si Kathryn po ang hands on na namahala sa salon, siya ang namili ng logo, ng name, ng mga products na gagamitin, kasama rin namin siya sa training ng mga nail technicians.

“Kinakarir niya talaga ang business ng family nila, si Mommy Min muna ang mag-aasikaso sa KathNails, pati ang mga sisters niya, habang busy siya sa La Luna Sangre.

“Everyday excited si Kath, palagi siyang nagtse-check, para lang siyang naglalaro sa business na pinasok niya,” kuwento pa ni Ogie.

At kung nails spa ang itinayong negosyo ni Kathryn Bernardo, ang kanyang ka-loveteam naman na si Daniel Padilla ay sa resto-bar luminya kasosyo ang mga kilalang businessmen at basketball players, ang District 8.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending