Paolo hiniwalayan ang dyowa, nakabuntis daw | Bandera

Paolo hiniwalayan ang dyowa, nakabuntis daw

|May 31,2017
facebook
share this

Paolo hiniwalayan ang dyowa, nakabuntis daw

- May 31, 2017 - 12:05 AM

PAOLO BALLESTEROS AT ROLAND ANOG

HINDI pa man umaamin, balitang hiniwalayan na raw ni Paolo Ballesteros ang kanyang rumored boyfriend na si Roland Anog.

Ayon sa ilang social media followers ni Pochoy (palayaw ni Paolo), mukhang tinapos na nga ng TV host-comedian ang relasyon nila ng G-Force dancer dahil sa isang litrato na ipinost nito sa IG kamakailan.

Ito ‘yung picture ng dalawang taong magkahawak-kamay na may parehong tattoo, na kapag pinagtabi mo ay lalabas ang korteng puso na may pakpak na may caption na: “That’s it pancit.”

Sey ng mga IG followers ni Paolo, posibleng ang tinutukoy ng komedyante ay ang relasyon nila ng kanyang boyfriend. Ngunit may mga nagsabi naman na baka may problema lang ang dalawa kaya nakapag-post ng ganu’n si Paolo.

May nag-comment naman na totoo raw nag-break na ang dalawa. Si Pochoy daw ang nakipaghiwalay kay Roland matapos mabuking na may nabuntis daw ang dancer.

Last week lang ay panay ang pagpo-post ni Paolo ng mga litrato nila ng kanyang rumored dyowa na kuha sa iba’t ibang lugar kung saan sila nagbakasyon, kabilang na nga rito ang mga photo nila sa loob ng sasakyan kung saan sweet na sweet pa sila sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending