Beauty, Bianca, Diego, Sofia marami pang pasabog sa 'Pusong Ligaw' | Bandera

Beauty, Bianca, Diego, Sofia marami pang pasabog sa ‘Pusong Ligaw’

Ervin Santiago |May 29,2017
facebook
share this

Beauty, Bianca, Diego, Sofia marami pang pasabog sa ‘Pusong Ligaw’

Ervin Santiago - May 29, 2017 - 12:10 AM

 

MAS magiging mainit at palaban din ang mga susunod na eksena sa tinututukang afternoon serye sa ABS-CBN na Pusong Ligaw, lalo na ngayong nagkita na uli sina Bianca King at Beauty Gonzales bilang sina Tessa at Marga.

Kung nabitin kayo sa mga eksena noong Biyernes, kaila-ngang tutukan n’yo ang mga pasabog na face off ng dating mag-BFF na mortal na magkaaway na ngayon. Idagdag pa riyan ang mga gagawin nina Raymond Bagat-sing at Joem Bascon para ipaglaban ang kanilang pagmamahal at pamilya.

Umaatikabong acting showdown sa pagitan nina Bianca at Beauty at Raymond at Joem ang nag-aabang sa mga manonood sa mga susunod pang episode ng Pusong Ligaw na siguradong hindi kakayanin ng powers nyo sa sobrang intense.

At para sa mga fans ng tambalang Diego Loyzaga at Sofia Andres, tuluy-tuloy pa rin ang hatid na kilig ng dalawa sa serye lalo na ngayong unti-unti na silang napapalapit sa isa’t isa. Promise nga ng rumored couple, maraming-marami pa silang hatid na kulitan at kiligan sa Pusong Ligaw after It’s Showtime kaya huwag na huwag kayong bibitiw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending