Buking: Julia kasama ang nanay ni Coco na nagbakasyon sa HK | Bandera

Buking: Julia kasama ang nanay ni Coco na nagbakasyon sa HK

Reggee Bonoan |May 29,2017
facebook
share this

Buking: Julia kasama ang nanay ni Coco na nagbakasyon sa HK

Reggee Bonoan - May 29, 2017 - 12:01 AM

 

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa Hongkong si Julia Montes kasama ang mga pinsan, kapatid at mama niya para mag-bonding. Nabigyan ng pagkakataon ang dalaga na makasama ang mga mahal sa buhay matapos ang tuluy-tuloy na trabaho.

Kung hindi kami nagkakamali ay tila ngayon lang yata naipasyal ng aktres ang kanyang pamilya dahil naging abala nga siya sa trabaho na nagkasunud-sunod dahil ilang taon ding umere ang Doble Kara bukod pa sa mga out of the country shows.

Bago naman simulan ang bago niyang serye na Victims Of Love mula sa Dreamscape Entertainment ay umeere naman ang kanyang Wansapanataym Presents: Anika Pintasera.

Base sa mga litrato na nakita namin sa Instagram account na CocoJul_sg ay noong Biyernes umalis sina Julia at heto pa, nabuking din na kasama sa biyahe ang nanay ng aktor na si Coco Martin.

Ang caption sa nasabing litrato ay, “Omg! Nagbobonding sila #AlamNa #JuliaMontes#MamaNiCocoMartinYan #MamaGemma #LolaFlory #Day#JuliaMontes#HongKong #DisneyLand#HKFamilyBonding.”

May tinanong kami na malapit kay Julia kung may alam siya sa lakad na ito ng aktres, “Ang alam ko kasama mama, pinsan at mga kapatid lang niya. Wala namang nasabing kasama ang kaanak ni Coco.”

Hindi naman din binanggit ng fans nina Coco at Julia kung susunod ang aktor dahil nga hand to mouth ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano bukod pa sa corporate events na dinaluhan ng aktor kamakailan sa SMX Convention Center.

Hmmmmm, kailan kaya aamin sa publiko sina Coco at Julia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending