MayWard susugod sa London; may mensahe para sa fans | Bandera

MayWard susugod sa London; may mensahe para sa fans

|May 28,2017
facebook
share this

MayWard susugod sa London; may mensahe para sa fans

- May 28, 2017 - 12:05 AM

maymay entrata at edward barber

DREAM come true para kina Maymay Entrata at Edward Barber ang makapunta sa London kasama ang iba pang Star Magic talents.

Magkakaroon kasi sila ng concert doon ngayong darating na July kaya ngayon pa lang ay looking forward na ang magka-loveteam sa pagpunta nila sa England.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Maymay, sinabi nitong susulitin talaga niya ang bawat oras nila ni Edward sa nasabing bansa, “Masayang masaya ako kasi libre tapos London pa my gosh! Sa PBB nakalibre ako ng Hong Kong ngayon London naman. Hindi ko na talaga palalampasin to at i-eenjoy ko talaga ‘to,” ani Maymay.

Sabi naman ni Edward, baka raw doon na rin sila mag-celebrate ng kanyang birthday, “I think it will be around on my birthday (July) and I’m happy because I will spend my birthday in England and I have the chance to meet my grandparents there.”

In fairness, talagang binabagyo ngayon ng suwerte ang MayWard loveteam, pagkalabas nila ng Bahay Ni Kuya ay sunud-sunod na ang pagdating ng blessings sa dalawang bagets. Bukod sa pinaplanong teleserye ng ABS-CBN para sa kanila, sisimulan na rin very soon ang shooting para sa kanilang launching movie, ang “Loving In Tandem” uder Star Cinema kung saan makakasama rin nila ang tambalang Kissmarc nina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Sa isa pang interview kina Maymay at Edward, sinabi ng dalawa na unti-unti na rin silang nasasanay sa bagong buhay nila bilang mga artista.

Sey nga ni Maymay, “Patuloy po akong nai-inspire sa kanila at unti-unti na po ako nasasanay na may mga bumabati na po sa akin na artista. Pero ganun pa man po nag-iiwan pa rin po sa akin ang lesson ng pagiging isang artista.”

Ipinagdiinan naman ni Edward na isa sa mga natutunan niya sa loob ng PBB house at sa ilang celebrities na nakakausap niya, kailangan laging humble at huwag na huwag makakalimot sa pinaggalingan.

“Personally it’s a choice if you allow yourself to feel that ’I’m better than you because you’ve done this it’s a choice po,” ani Edward.

Para naman kay Maymay, “Huwag po magsawa na magpasalamat sa lahat hindi lang sa mga bagong nakilala mo, kundi sa mga taong tumulong sa ‘yo noon para matupad mo ang mga pangarap mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending