Quantcast
‘My Love From The Star’ ipapalit sa ‘DTBY’

Jennylyn: Matindi ang pressure, kasi AlDub ang papalitan namin!

By

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

AMINADO ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na matindi rin ang pressure na nararamdaman nila para sa nalalapit na pagsisimula ng My Love From The Star.

Ang Pinoy version ng hit Korean series na My Love From The Star ang papalit sa nagtapos nang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“May pressure, siyempre, kasi AlDub ‘yan, e, di ba? So, ang daming fans nina Alden at Maine, ang dami talaga nilang supporters, dito sa atin tsaka sa ibang bansa. Kaya sana, panoorin din kami ng mga Kapuso dahil iba naman ang ibibigay namin sa kanila,” pahayag ni Jen.

But more than the pressure, mas excited sila ng kanyang leading man na si Gil Cuerva sa pagsisimula ng serye sa GMA Telebabad.

“Excited kami na kinakabahan kasi siyempre yung expectations ng mga tao. Napanood na nila ito, e! So kailangan kahit paano mailaban din namin kahit konti,” pahayag ni Jennylyn na gumaganap bilang si

Steffi, isang sikat na sikat na celebrity na gagawin ang lahat para manatili sa kanyang trono.
Ayon pa sa aktres, ito na yata ang isa sa pinakamahirap na role na ginampanan niya dahil halong drama, comedy at pakilig ang kailangan niyang gawin.

“Light siya pero hindi talaga siya light! Sa totoong buhay kasi umaarte siya ng masaya, luka-luka pero kailangan ‘yung mata mo malungkot, ganu’n ang atake. Kasi malungkot siyang tao talaga pero kailangan niyang maging masaya sa harap ng ibang tao, so mahirap kontrolin ‘yung ganu’ng emosyon,” ani Jen.

Mae-encounter niya ang karakter ni Gil bilang si Matteo, isang guwapo pero super weird na college professor nang kailangan niyang mag-aral uli. Magsisimula bilang mortal na magkaaway ngunit unti-unting mai-in love sa isa’t isa.

“In fairness naman kay Gil, talagang very willing siya na matuto tapos open siya sa lahat ng mga sasabihin sa kanya talagang gina-grab niya, ginagawa niya. At napakabait na tao,” paglalarawan ng Kapuso actress sa baguhang aktor na bagong pantasya ngayon ng mga beki.

Dugtong pa ng dalaga, “Everytime naman na may bago mahirap, e. Di ba, hindi mo siya kilala personally tapos magtatrabaho kayo. Pero na-appreciate ko siya ng sobra kasi ano siya, e, ang dami niyang tanong.
“Gusto niyang palaging nalalaman lahat, napaka-curious niyang tao. So pag ganu’n di ba, willing siya talaga na matuto,” chika pa ni Jen.

Magsisimula na ngayong Lunes ang My Love From The Star sa GMA Telebabad sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Kasama rin dito sina Gabby Eigenmann, Christian Bautista, Glydel Mercado, Renz Fernandez, Jackie Rice, Migo Adecer, Melissa Mendez, Spanky Manikan, Nar Cabico, Analyn Barro, Valentin, Pauline Mendoza with the special participation of Rhian Ramos bilang mahigpit na karibal ni Jen sa kasikatan.

q q q

May out-of-this-world friendship na ring nabuo sa cast ng My Love From The Star. From the look of it kasi, mabilis na naging close ang cast lalo na sina Gil Cuerva, Gabby Eigenmann at Christian Bautista.

Hindi maikakaila ito sa mga posts nila sa kanilang social media accounts lalo na madalas silang mag-post ng kani-kanilang Instagram stories.

Samantala, kaliwa’t kanan na ang nakikita naming posts regarding sa excitement ng viewers sa pagsisimula ng My Love From The Star this Monday.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement