Arjo Atayde sa pagkamatay ni Joaquin: Napaiyak talaga ako, sobrang sakit!!! | Bandera

Arjo Atayde sa pagkamatay ni Joaquin: Napaiyak talaga ako, sobrang sakit!!!

Ervin Santiago |May 28,2017
facebook
share this

Arjo Atayde sa pagkamatay ni Joaquin: Napaiyak talaga ako, sobrang sakit!!!

Ervin Santiago - May 28, 2017 - 12:01 AM

coco arjo ronwaldo

SUNUD-SUNOD na pasabog ang inihandog ng nangungang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano matapos matunghayan ng mga manonood ang maaksyong pagkamatay ni Joaquin (Arjo Atayde) at ang pagpasok ng mga bagong karakter sa palabas, kaya naman nanatili ang pamamayagpag nito sa TV ratings sa buong bansa.

Matapos mas panoorin kumpara sa pag-uumpisa ng bagong katapat noong Lunes (May 22), patuloy na nakatanggap ang FPJ’s Ang Probnsyano ng mainit na suporta hanggang Martes (May 23) at Miyerkules (May 24) sa pagtala nito ng national TV ratings na 43.3% at 42.7%, kumpara sa 20.6% at 21.1% ng katapat na programa, ayon sa datos ng Kantar Media.

Samantala, ngayon ngang nabigyan na ng hustisya ni Cardo (Coco) ang pagkamatay ng kanyang kakambal na si Ador, panibagong kabanata na ang kanyang haharapin sa pagpasok ng mga bagong karakter na magdadagdag aksyon at magbibigay aral sa pamilyang Pilipino gabi-gabi.

Abangan ang ilan sa pinakamagagaling na aktor ng industriya na pinangungunahan ng Filipino action movie icon na si Lito Lapid, kasama ang anak na si Mark Lapid, at multi-awarded actor at bida sa pelikulang “Heneral Luna” na si John Arcilla na mas lalong magpapakapit sa mga manonood sa kuwento ni Probinsyano.

Muling magsasama naman ang mga bituin ng Till I Met You at mga premyadong aktres na sina Pokwang at Angel Aquino sa telebisyon na magbibigay ng bagong kulay sa serye sa kanilang kakaibang karakter na gagampanan. Hindi rin dapat palampasin ang muling pagganap sa teleserye ng OPM icon na si Mitch Valdez na magpapakita naman ng kanyang galing sa pag-arte.

Kasama ring magdadala ng aksyon sa mga tahanan ang It’s Showtime host at magaling na aktor na si Jhong Hilario, pati na rin ang Gawad Urian awardee at nagbabalik Kapamilya na si Sid Lucero.

Mula naman sa kanilang seryeng Dugong Buhay, muling matutunghayan sina Ejay Falcon at Yam Concepcion na magpapamalas ng kanilang galing pagdating sa aksyon kasama ang award-winning indie actor at utol ni Coco na si Ronwaldo Martin.

Gaganap si Ronwaldo bilang miyembro ng isang grupo ng terorista na pinamumunuan ng karakter ni former Sen. Lito Lapid.

Huwag palampasin ang bagong kabanata ng numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Samantala, masakit para kay Arjo Atayde ang magpaalam sa seryeng nagpatunay sa kanyang pagiging aktor.

“It hurts. A lot. A lot. But I’m just going to move on from there. Sepanx to the max. I cried. Hindi ko kinaya. I’ve been working with these guys for two years. We were there since day one. Immersion to day one of the pilot,” sabi ni Arjo sa panayam ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “I love Joaquin. I love my character so much. It’s a journey I’ll never forget.”

Balitang naging emosyonal din ang pagpapaalam niya kay Coco sa last taping day niya, “It hurts, as a brother. We had a personal talk about career. I told him, ‘Salamat. I owe him so much.’”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending