Kathniel magpapaka-action star sa ‘La Luna Sangre’, pero pakilig pa rin | Bandera

Kathniel magpapaka-action star sa ‘La Luna Sangre’, pero pakilig pa rin

Ervin Santiago |May 26,2017
facebook
share this

Kathniel magpapaka-action star sa ‘La Luna Sangre’, pero pakilig pa rin

Ervin Santiago - May 26, 2017 - 12:05 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

MARAMING nagtatanong sa amin kung ang fantasy-action series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na La Luna Sangre ang papalit sa magtatapos na My Dear Heart sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Nag-pictorial na kasi ang magka-loveteam para sa nasabing teleserye, na siyang magiging third installment ng mga hit Kapamilya series na Lobo at Imortal ni Angel Locsin (with Piolo Pascual and John Lloyd Cruz). Ngunit wala pang makapagbigay sa amin ng kumpirmasyon kung ito nga ang kapalit ng magtatapos nang My Dear Heart nina Coney Reyes, Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Ria Atayde at Heart Ramos.

Kuwento ni Daniel sa isang panayam, “Nagte-training kami ni Kathryn ng martial arts. ‘Yun din siguro ang bagong ipapakita namin sa teleseryeng ito, ‘yung flavor ng martial arts, ng action.”

Hirit naman ni Kathryn, bukod sa aksyon at adventure, hindi pa rin daw mawawala ang pagiging romantic-comedy ng La Luna Sangre, “May kaunting rom-com pa rin siyempre. So ‘yun ‘yung interesting kung paano paghahaluin ‘yung action and rom-com para balanse at saka masarap panoorin.

Basta dito sa La Luna ngayon lahat talaga ng emotions na gusto mo papasok from action, drama and rom-com.”

Excited na ring makatrabaho ng KathNiel ang mga co-stars nila sa serye na ididirek ni Cathy Molina, “Nakita na namin ‘yung ibang kasama and doon ako na-excite. Noong una parang galing kami sa ‘Can’t Help’ parang huwag muna tayong magsimula, may feeling na ganoon.

“Pero ‘yung sinasabi ko nga kay Kathryn, nu’ng nakita ko, kasi may group kami, tapos nag-send ng picture doon ‘yung buong cast, talagang na excite ako kasi ang galing nang pagpili ng casting nito. Ang ganda.

“I’m sure ang mga tao mismo talagang mae-excite sila kasi ang galing eh. Bagay talaga sa kani-kanilang characters ‘yung cast na kinuha,” dagdag ni DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending